(Top 10 cadet ipinakilala) F-2-F GRADUATION NG PNPA ALAB KALIS CLASS OF 2022

HINAMON ni PNP Chief General Dionardo Carlos ang may 226 miyembro ng Philippine National Police Academy (PNPA) Alab Kalis Class of 2022 na tiyakin na gawing makatuturan ang mga natutunan sa loob akademya sa oras na mapabilang na sila sa hanay ng PNP, Bureau of Fire Protection (BFP) at Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).

Si Carlos ang guest of honor sa ginawang presentation ng top ten graduating cadets ng PNPA ALAB Kalis Class of 2022 sa Camp General Mariano Castañeda sa Silang, Cavite.

Mahigpit ang naging bilin ni Carlos sa mga magsisipagtapos na tiyakin na isabuhay ang mga nakuhang aral sa akademya.

Inihayag din kahapon ng pamunuan ng PNP na matapos ang dalawang taon ay muling magsasagawa ng face-to-face graduation ceremony ang pamosong police training school sa Camp General Mariano Castañeda.

Ang pamamahala sa PNPA ay nasa ilalim na ngayon ng PNP mula sa dating Phil. Public Safety College (PPSC).

Kasabay nito, ang pagpapakilala ni Major Alexander Sampaga, PNPA Director sa top ten graduating cadets ng PNPA Alab Kalis Class of 2022.

Kabilang sa limang lalaki at limang babaeng nasa Top 10 ng ALAB KALIS CLASS OF 2022 na iprinisinta kahapon sa media sina:

1. P/Cdt. Ernie Padernilla, Passi City, Iloilo
2. P/Cdt. Regina Joy Caguioa, Taguig City
3. P/Cdt. Precious Lee ,San Juan City, MM
4. P/Cdt. Fidel Triste III, Palo, Leyte
5. P/Cdt. Geneva Flores, San Carlos City, Pangasinan
6. P/Cdt. Zoe Seloterio, Sta. Barbara, Iloilo
7. F/Cdt. Neil Navalta, Diffun. Quirino
8. P/Cdt. Mhar Viloria, Pugo, La Union
9. J/Cdt. Colynn Panganiban, Antipolo City
10. P/Cdt. Alyssa Bantasan, Bauko Mt. Province

Nabatid na dalawang taong na hindi ito nagagawa ng PNPA na magsagawa ng face to face commencement exercise dahil sa epekto ng pandemya .

Ayon kay Sampaga, naging malaking hamon sa kanilang pagtuturo at pagsasanay sa mga kadete ang nararanasang pandemya dala ng COVID-19.

Kabilang na rito ang hirap ng pagpunta ng instructors at professors sa area na ang mahinang signal ng internet sa online class at delivery ng mga modules.VERLIN RUIZ/ REA SARMIENTO