Mga laro ngayon:
(Philsports Arena)
3 p.m. – NorthPort vs TNT
5:45 p.m. – NLEX vs San Miguel
PUNTIRYA ng third-running San Miguel Beer at current No. 4 NLEX ang outright Top 4 seat sa kanilang krusyal na salpukan sa penultimate play date ng PBA Governors’ Cup eliminations ngayong Miyerkoles sa PhilSports Arena.
Sasalang ang Beermen sa kanilang una sa dalawang shots sa twice-to-beat bonus sa quarters kontra Road Warriors na mahaharap sa virtual playoff match sa 5:45 p.m. duel.
Awtomatikong sasamahan ni coach Jorge Gallent at ng kanyang tropa, may 7-2 kartada, ang TNT at Barangay Ginebra bilang top tiers sa panalo laban sa Road Warriors. Sakaling matalo, may isa pa silang pagkakataon laban sa Rain or Shine Elasto Painters sa Biyernes sa parehong venue.
Sa 7-3, si coach Frankie Lim at ang Road Warriors ay nasa ‘must-win’ situation sa kanilang Top 4 bid.
Ang panalo ay magseselyo sa kapalaran ng NLEX. Ang pagkatalo ay magtatabla sa kanila sa Meralco Bolts at Magnolia Hotshots sa 7-4 sa ika-4 na puwesto. Kapag nangyari ito, ang Bolts ang kukuha ng No. 4 spot sa kanilang superior quotient.
Ang Beermen ay lalaro na wala si June Mar Fajardo, na nagtamo ng knee injury in sa kanilang EASL Champions Week stint sa Japan.
Ayon kay SMB team manager Gee Abanilla, ang six-time MVP winner ay mawawala ng anim na linggo dahil sa grade 3 medial collateral ligament (MCL) injury.
Sa pagkawala ng 6-foot-10 giant, kailangang kumayod nang husto nina import Cameron Clark and guys like CJ Perez, Vic Manuel, Jericho Cruz, Marcio Lassiter, Moala Tautuaa, Chris Ross at Simon Enciso.
Samantala, target din ng NorthPort ang krusyal na panalo para makasiguro ng playoff spot para sa isang quarterfinals slot.
Kailangan munang malusutan ng Batang Pier ang powerhouse TNT upang makamit ang kanilang immediate target na makatabla ang Phoenix Super LPG sa eighth spot sa 4-7 records, isang deadlock na mababasag sa isang knockout game kung saan ang mananalo ang kukumpleto sa eight-team quarterfinals.
Nakatakda ang NorthPort-TNT duel sa alas-3 ng hapon.
CLYDE MARIANO