BULACAN – NASAKOTE ng pulisya ang top 5 most wanted person ng Guiguinto noong Nobyembre 3.
Nadakip si Ronnie Managuelod, alyas Boknok, 39-anyos, construction worker ng Cruz Mercado St., Brgy. Tabe, Guiguinto dahil sa paglabag sa child prostitution and other sexual abuse act.
Naaresto rin si Mark Anthony Viñas, 32-anyos, binata, at helper sa Brgy. Camias, San Miguel bandang alas-11:45 ng umaga noong Nobyembre 3 sa kasong estafa with no bail recommended.
Nadampot naman ang tatlong security guard mula sa Guiguinto-PNP dahil sa reklamo ng isang concerned citizen sa Brgy. Tiaong.
Sa reklamo ng lalaki, nanakot umano ang tatlong sekyu gamit ang kanilang mga armas. MARIVIC RAGUDOS