TOP 5 NA TIPS BAGO MAGTAYO NG TECH NEGOSYO

homer nievera

HANDA ka na ba talagang magtayo ng tech startup mo? Napag-isipan mo na ba ang maraming bagay na kalakip ng isang tech start up? Maraming katanugan at marami ring puwedeng kasagutqn. Narito ang ilan lamang na kritikal na bagay na dapat mong  ikonsidera sa pagtatayo nito:

#1 Kaalaman ukol sa Teknolohiya na Papasukan

Malamang, napag-isipan mo na ang nais mong pasukan na tech-negosyo. Ang tanong, alam mo ba ang patungkol sa mga teknolohiyang nakapaloob dito? Gaya ng paggawa ng mobile apps, dapat maalam ka sa mobile programming o ‘di kaya’y alam mo kung paano ito patatakbuhin kung sakaling iwanan ka ng programmer mo. Nangyari na sa akin ito ng ilang beses na iniwanan ako ng developer ko ngunit dahil may alam ako sa tech, napatakbo pa rin ang negosyo.

#2 Pasasaliksik

Kaalaman sa maraming aspeto ng iyong negosyo ang pangunahing kailangan para magtagumpay. Maaaring may plano ka na. Magsaliksik ka pa lalo na patungkol sa mga makabagong ideya na maaaring makatulong sa ‘yo o maaaring  gagawin ng makakala-ban sa negosyo.

#3 Epektibong Business Plan

May business plan ka na ba? Baka naman nasa isipan mo lang ang lahat. Dapat nakasulat ang mga ito at may ilang tao kang na-pagprisintahan na nito na napagkakatiwalaan. Ang pagkuha ng isang mentor ay mahalaga rin sa pagbuo ng epektibong plano. Sig-urado ka na ba? Sapat na ba ang pondo mo? Balikan mo ulir.

#4 Kilalanin ang Kostumer

Sa pagsipat ng magiging kostumer nagsisimula ang epektibong marketing plan. Siguraduhing masinsin ang pagkilala sa magi-ging kostumer mo. ‘Di naman kailangang malaki ang merkado agad. Magsimula sa maliit muna. Doon tumutok at makikita mo paano pa ito papalakihin. Magsaliksik pa.

#5 Maayos na Dokumentasyon

Madalas, kulang na papeles at dokumentasyon ang nagiging sagabal sa maayos na pagnenegosyo. Sa simula pa lang, inaayos na dapat ang rehistrasyon ng lahat mula sa SEC (naku, ang bagal pa naman nila ngayon!!!), BIR at lokal na pamahalaan. Ayusin ang lahat ng permit na kailangan bago sumalang. Mahirap na at baka magsisi kung tumatakbo na ito.

#5 Kumpitensiya

Sa lahat ng pagnenegosyo ay may kumpitensiya. Nasaliksik mo na ba itong aspetong ito? Alamin ang mga galaw nila at saan si-la magaling at mahina. ‘Pag nalaman mo na ito, mas maayos ang istratehiya mong magagawa.

Kung ayos na ang lahat, sa pananaw bumabagsak ang negosyo. Ang pagkakaroon ng patuloy na positibong pananaw sa buhay at sa pagnenegosyo ay mahalaga. Maging madasalin sa Diyos dahil ang sandigan sa pananampalataya ay nakatutulong sa pananaw mo  sa lahat ng bagay. Kahit anong sakuna ang dumating, kakayanin mo.

o0o

Si Homer Nievera ay isang digital evangelist at founder ng Negosentro.com na tumutulong palawigin ang kaalaman sa internet at teknolohiya para maiangat ang kabuhayan ng mga Filipino. Kung may katanungan, magpadala ng mensahe sa email@negosentro.com.