MIDDLE East pa rin ang nangungunang employment destination ng mga overseas Filipino worker (OFW). Ayon sa Philippine Overseas Employmnet Adminstration (POEA), 5 out of 10 target destinations ng mga OFWs ay nasa rehiyong ito, halos 70% ng mga bago at kababalik lamang na mga empleyado noong 2016. Sa mga sumusunod na bansa pinaka-in-demand ang mga Pinoy: Saudi Arabia, United Arab Emirates, Qatar, Kuwait, at Oman. Ano nga bang mga trabaho ang mapapasukan ng mga OFW sa mga bansang ito?
DOMESTIC WORK
Ayon sa United Nations’ International Labor Organization (ILO), mahalagang tungkulin ang ginagampanan ng mga domestic worker sa kultura ng mga Arab. Higit pa sa simpleng pagluluto at paglilinis, ang mga domestic worker ay mahalaga sa pagpapalaki ng mga anak, pag-aalaga sa mga nakatatanda at may kapansanan, at sa pangkalahatang pangangasiwa ng tahanan. 1 out of 5 ng mga domestic worker ay nakatira sa Middle East at 1.6 million ng kabuuang 3.6 million domestic worker sa buong mundo ay mga kababaihan na may edad 20 hanggang 40 taong gulang.
HEALTHCARE
Nangunguna ang Filipinas sa mga bansang may pinakamaraming healthcare professionals sa buong mundo. Kilala ang mga Filipino healthcare professionals sa kanilang expert skill, efficiency, galing sa wikang Ingles, at ang natatanging alaga at malasakit para sa kanilang mga pasyente. Bukod sa United States at United Kingdom, ang Middle East ay kabilang sa top 3 destinations ng mga Pinoy na nurses, caregivers, midwives, at mga doktor. Sa loob lamang ng nakaraan na dekada, Saudi Arabia ang pangunahing des-tinasyon ng mga nasabing Filipino healthcare professionals.
CONSTRUCTION LABOR
Patuloy ang pag-angat ng industriya ng construction sa Middle East lalo na sa UAE, Qatar, Oman, at Egypt, kaya naman patuloy rin ang demand para sa construction workers sa mga nasabing bansa. Ilan sa mga in-demand na trabaho rito ay laborers at line-men, machinery operators and metal workers, truck drivers at drillers, at mga carpenter at general construction workers. Inaasahang patuloy na tataas ang demand para sa mga trabahong ito, lalo na’t patuloy rin ang pagbaba ng construction costs sa Middle East habang dumarami naman ang mga naglalakihang proyekto sa rehiyon.
SKILLED CONSTRUCTION
Habang patuloy ang pagtaas ng demand ng mga construction workers sa Middle East, in-demand din ang mga skilled construction worker gaya ng mga plumbers at pipe filters, painters at patternmakers, welders at wiremen, at pati na rin mga supervisors at surveyors.
ENGINEERING
Engineers ang isa sa mga may pinakamalaking kita na OFW. Maaari silang kumita ng mula P60,000 hanggang P100,000 kada buwan. Sa Middle East, hindi nawawala ang demand para sa mga land-based engineers lalo na ngayong patuloy ang pag-unlad ng industriya ng imprastraktura sa nasabing rehiyon. Ilan sa mga in-demand na engineering jobs ay mga sumusunod: civil at electrical engineer, industrial at mechanical engineer, at mga engineering technician at mining engineers.
Sa taas ng demand para sa skilled workers, makabubuting kumuha ng mga technical-vocation training. Para naman sa mga OFW na nais makaipon mula sa kanilang remittance, may savings account na para talaga sa mga overseas Filipino worker at kanilang beneficiaries sa Filipinas.
Ang BDO Unibank Kabayan Savings Account ay maaasahang katuwang ng mga OFW at kanilang beneficiaries. May 5000+ Cash Agad partners, 4000+ BDO ATMs, at 1000+ branches nationwide kung saan madali ang pagpapadala at pagtanggap ng pera. Ligtas at madaling pagpapadala para sa OFW, madaling pagtanggap para sa mga beneficiary sa Filipinas! Para sa inyong mga katanungan at iba pang impormasyon, click on this link: (https://www.bdo.com.ph/kabayan-remittance-services).