LAGUNA – NASAKOTE ng mga kagawad ng Laguna Provincial Intelligence Unit (PIU) at PS7 Cubao, QCPD ang 40-anyos na ginang na kabilang sa Top 7 Most Wanted Person (Regional Level) sa Bgy. Camp Aguinaldo, Quezon, City.
Batay sa ulat ni Laguna PNP Provincial Director PCol. Serafin Petalio II kay PRO4A Calabarzon Director PBGen. Felipe Natividad, kinilala ang suspek na si Myra Ventura y Cuares, alias Melai Salgado, “Myra Smith/Madam” may asawa, tubong Calauan, Laguna, pansamantalang naninirahan sa nasabing lugar.
Sa talaan ng pulisya, lumilitaw na sangkot sa kasong Illegal Recruitment in Large Scale and 2 Counts of Estafa ang suspek.
Bandang alas-10:30 ng gabi noong Sabado nang magkasa ng Operation Manhunt Charlie ang mga tauhan ni PIU Chief PLt. Col. Arvin Avelino sa lugar sa pamumuno ni PMaj. Reymond Austria bitbit ang Warrant of Arrest na ipinalabas ni Hon. Judge Divinagracia G. Bustos- Ungkeko, Presiding Judge, Regional Trial Court Branch 91, Sta. Cruz, Laguna kaugnay sa kinasasangkutang Criminal Case, Illegal Recruitment in Large Scale, walang piyansang inirekomenda at 2 counts ng Estafa may piyansang P18 bawa’t isa.
Pansamantalang nakapiit ang suspek sa PIU Detention Cell, Camp Paciano Rizal, Laguna Police Provincial Office (LPPO) Bgy. Bagumbayan, Sta. Cruz, Laguna. DICK GARAY
Comments are closed.