TOP 7 TIPS PARA SA BALANSENG BUHAY AT TRABAHO NGAYONG HOLIDAY SEASON

HOLIDAY season na at panahon din ng shopping at bakasyon ng mga estudyante. Sa ganitong panahon, kahit ika nga ay bakasyon kailangan pa ring isaalang-alang ang pagtatrabaho. Narito ang ilang payo para sa pagbabalanse ng iyong oras sa pamilya at trabaho sa panahon ng bakasyon o holiday season.

  1. Tanggapin na ang buhay ay patuloy na pagtatrabaho.

Hindi tamang sabihin na “tapos ko na ang trabaho ko”. Sa pang-araw-araw na buhay, walang katapusan ang ating trabaho, may kinalaman man yan sa iyong karera, negosyo o sa personal na pamumuhay.  Hindi ka dapat tumigil sa iyong natapos kundi dapat ay palagian mong i-evaluate ang iyong sarili kung saan ka pa maaaring mag-improve.

  1. Alamin kung sapat na nga ba ang iyong ginawa.

Hindi ka dapat ma-over-excite sa panahon ng bakasyon dahil kung minsan ay nasosobrahan tayo ng preparasyon para rito. Sa takot na mapintasan sa paghahanda, kung minsan ay sumusobra na ang panahong ginugugol para rito at hindi na rin nagkakaroon ng oras para sa pagre-relax.

  1. Ibahagi sa iba ang trabaho.

Huwag mong sakupin ang lahat ng trabaho. Tandaan na hindi ka isang super hero na kayang gawin ang lahat. Mas maiging iatang sa ibang kapamilya ang responsibilidad kung sa tingin mo ay hindi na kakayanin ng iyong oras. Sa panahon ng bakasyon, mas masaya kung lahat kayong miyembro ng pamilya ay may quality time sa isa’t isa.

  1. Tukuyin ang mga aktibidad na sadyang mahalaga para sa iyo.

Sa panahon ng bakasyon, maraming aktibidad ang naiisip gawin subalit kasabay din nito ang pag-iisip sa mga daratnang trabaho pagkatapos ng masayang panahon. Sa ganitong pagkakataon, dapat alam mo kung ano ang mahahalagang bagay na dapat mong unahin upang hindi ka mataranta sa pagtatapos ng oras na laan para sa iyong pagpapahinga.

  1. Magpokus sa pagpapasalamat o pagtanaw ng utang na loob.

Sa halip na mairita sa mga bagay na dapat gawin, magpasalamat kung anong meron ka. Kung patuloy pa sa pagiging positibo, lahat ng magagandang bagay sa mundo ay iyong makakamit.

  1. Maging alerto sa bawat reaksyon.

Tandaan na ang kaligayahan ay isa sa iyong choice. Kung magiging kuntento ka sa bawat bagay na pumapasok at nangyayari sa iyong buhay, tiyak na magiging magaan ang pagtatapos ng iyong araw. Kung excited ka sa bawat trabahong iyong nais na tapusin, tiyak na magiging mabilis para sa iyo na gawin ito.

  1. I-organisa ang iyong buong buhay, hindi lamang trabaho.

Malaking tulong kung bibili ka ng planner upang ma-oorganisa mo ng maigi ang iyong mga aktibidad. Sa ganitong paraan nakahanay ang bawat aktibidad na iyong isasagawa sa pang-araw-araw mong buhay at hindi mo kailangang maghabol sa bawat oras na tumatakbo.