TOP AGE-GROUP SWIMMERS SABAK SA SLP SERIES-LUCENA

BALIK na ang aksiyon sa sports, tuloy na rin ang programa ng Swim League Philippines (SLP) para maiangat ang antas ng talento at kalidad ng mga batang Pinoy sa isasagawang Finis Southern Tagalog Cup – ang ika-18 serye ng torneo ng SLP – ngayong Sabado, Marso 19, sa Quezon National High School Swimming Pool sa Lucena, Quezon.

Sinabi ni SLP chairman Joan Mojdeh na sinimulan ng kanilang grupo ang pagbabalik-aksiyon matapos ang halos dalawang taong lockdown bunsod ng pandemya upang maibalik ang interes ng mga batang swimmers at maipagpatuloy ang paglinang sa mga talento para sa posibilidad na mapabilang sa koponan na isasabak sa international competition.

Makasaysayan ang Southern Tagalog Region, partikular ang Lucena City sa SLP dahil dito nahubog ang talento ng karamihan sa mga miyembro ng Behrouz Elite Swimming Team (BEST), sa pangunguna nina junior standout Micaela Jasmine Mojdeh at Juan Partom, gayundin ang collegiate star na si Jordan Ken Lobos Marcus De Kam.

“Kailangan na rin po talagang matagtag ‘yung kalawang sa mahabang panahon na nabakante ang ating mga swimmers. Paraan na rin po namin ito para mahikayat muli ang mga batang swimmers na bumalik sa pool at mag-ensayo,” pahayag ni Mojdeh.

Kabuaang 20 koponan ang kumpirmadong sasabak sa isang araw na torneo sa pagtataguyod ng McDonald’s Philippines, Behrouz Persian Cuisine, City Government of Lucena at FINIS Philippines, para sa walong kategoryang paglalabanan – apat sa girls’ division (10-under, 11-12, 13-14 and 15-over) at apat sa boys’ class (10-under, 11-12, 13-14 and 15-over).

Ayon kay Mojdeh, ang mangungunang swimmers sa bawat age-group class ay pagkakalooban ng Most Outstanding Swimmer trophy, habang ang koponan na may malilikom na pinakamalaking puntos ang tatanghaling overall champion.

Sinabi rin ni Mojdeh na ang torneo ay bahagi ng programa ng SLP para mapili ang mga batang atleta na isasabak sa iba’t ibang torneo sa abroad tulad ng United States, Canada, France, Japan, Australia, China, England, the United Arab Emirates, Hong Kong, Singapore at Thailand.

“We will select a few swimmers who will be given a chance to represent our country in international competitions. We need to expose these young swimmers in high-caliber competitions to further develop their skills,” sambit ni Mojdeh.

“We really emphasize the need to strengthen our grassroots program since a lot of talented swimmers are coming from the provinces. They just need a venue to showcase their skills and this competition is a good opportunity for them,” aniya. EDWIN ROLLON