MALAPIT nang magsimula ang matinding bakbakan sa pagitan ng magagaling na basketball teams sa paglarga ng tinaguriang best amateur league sa East Asia na East Asia Basketball League (EABL).
Inaanyayahan ni EABL president /head for basketball operations Ed Cordero ang mga pambatong collegiate teams sa bansa gaya ng Dela Salle, Atenoe, UP, UST at iba pa sa NCAA at UAAP na lumahok at makipagtagisan ng galing sa prestihiyosong torneo.
Bukod sa collegiate teams, inaasahan ding lalaro sa liga ang malalakas na Southeast Asian teams at mga pambatong team mula sa local government units (LGUs) na binigyan din ng imbitasyon ng EABL.
Ayon kay Cordero, may kabuuang 14 teams — walo mula sa Luzon, dalawa sa South East Asia ar tig-dalawa mula sa Visayas at Mindanao ang bubuo ng 2022-23 EABL Conference.
Idinagdag ni Cordero na ang bawat team ay bubuuin ng 25 players na may kumbinasyon ng collegiate, Fil-Ams, Asian , LGU o ex-pros, at PBA reserved players.
Inorganisa ang liga nina Cordero, Pablo Lucas, Ricky Magallanes, (NBA and Asia Pacific League Ambassador) Arlene Rodriguez, Buboy Rodrigues, Boybits Victoria, Reynaldo Manalac, Lito Macaspac, at Roger Baslio sa pakikipagtulungan ng JAMS entertainment.
Inaasahang ito ang magiging muling pagsilang ng bagong kasaysayan ng basketball sa Araneta Center.
Ayon kay Cordero, ang deadline ng submission ng entries ay sa April 18 habang ang General Assembly ay sa April 22 via virtual. Ang entry fee ng bawat team ay P500K hanggang P750K.
vvv
Para sa iba pang detalye, maaaring makipag-ugnayan kina Cordero, Pablo at Lucas sa 09162192545 o 0918-8833267.