ISA-ISA nang nagpapareserba ng kanilang slots ang mga nais lumahok sa “Pistahan sa Mega 5-Cock Derby” na gaganapin sa Roligon Mega Cockpit sa Parañaque City simula Abril 21 hanggang Mayo 23.
Nangungunang nagpalista ang dating Las Vegas, U.S.A. singer na si Nico Fuentes na sa kasalukuyan ay nagbi-breed ng manok-panabong sa lalawigan ng Aklan, samantalang ang Fil-Am na si James Jamul ay magpapasok ng tig-isang entry sa Abril 25 at Mayo 16.
Handog ni Ka Lando Luzong & Friends at ng Thunderbird – the winning formula bilang natatanging sponsor – may P3 milyon ang garantisadong premyo sa ‘Pistahan’ kung saan ang entry fee at minimum bet ay parehong P4,400 lamang. Naghihintay ang P1.7-M bilang championship prize.
Walong 2-cock eliminations ang nakalinya sa makasaysayang Roligon Mega Cockpit na itinayo ni Rolly Ligon noong 1988 kapalit ng dating Parañaque Cockpit Stadium. Ang mga eliminasyon sa Roligon sa Abril 21, 25 & 28 at Mayo 2, 5, 12, 16 at 19 ay may nakatayang P100,000 Day Champion Prize at 32” TV at Thunderbird Powervet products sa fastest winner sa ikalawang laban.
Karagdagan sa mga eliminasyon sa Roligon ang mga provincial elimination na gaganapin sa Zamboanga City (Manny Dalipe/Bobby Fernandez, Batangas (Kred Katigbak), Pangasinan (Osmond Lambino) at Tuba, Benguet/Baguio City (Tonyboy Tabora) at Albay (Jahn Gloria), na walang mga Day Champion Prizes o depende na sa mga partner-hosts kung lalagyan nila. Inaayos din ang eliminasyon sa Tagbilaran, Bohol at sa Morong, Rizal sa pakikipag-ugnayan kina Mayor Baba Yap at Kano Raya.
Kasama rin sa early-birds na nagpatala sa ‘Pistahan’ sina Ramon Josue, Kano Raya, Mike Mangana, Ken Cantero, Jun Consuelo, Ronald Aquino, Glenn Mars Gamefarm, Engr. Ernie Otaza (E.O. Agusan Fighters), Boyet Plaza at TJ Marques ng Texas Cockpit Arena.
Para sa pagpapareserba ng slots at iba pang detalye, maaring tumawag sa Roligon Mega Cockpit sa telepono 02-519-7345; Shirley, 0920-9509090 o Tiling, 0926-7134069. Maari ring magpalista sa Roligon Mega Cockpit FB Page. EDWIN ROLLON