TOP DECK NG TAIPEI 101 TOWER, BINUKSAN SA PUBLIKO

TAIPEI 101 TOWER

(Ni MHAR BASCO)

SA loob ng 15 taong hindi nasilayan ang observation deck na naunang idineklarang pinakamataas na gusali na “Taipei 101Tower” sa Taiwan sa buong mundo ay binuksan na rin ito sa publiko noong Hunyo 15, 2019.

Sa ginanap na press conference noong Hunyo 13,  inanunsiyo ng building management team ng Taipei 101 tower sa pangunguna ni Operating officer Liu Chia-hao, na pinahintulutang masilayan ang observation deck sa publiko partikular sa mga dayuhang turista.

Ayon kay Chia-hao, sa nakalipas na 15-taon ay tanging ang ika-89 palapag ang naging observation deck ng publiko at ang top observation deck ng Taipei 101 ay nakareserba lamang sa mga VIPs tulad ni US President Bill Clinton at movie star Will Smith.

Subalit sa hindi inaasahang pagkakataon, nagpasiya ang Presidente ng Taipei 101 na si Angela Chang na buksan ang top obser-vation deck para ma-enjoy naman ng publiko ang 360-degree pa­noramic view ng Taipei.

“Standing on the top observation deck of Taipei 101 for the first time made me fell “very touched in-side,” pahayag ni Chang.

Naniniwala si Chang na hindi lamang mga da­yuhang turista ang makararanas ng special feeling kundi maging ang mga Taiwanese na maka-step out sa top deck.

Base sa tala, aabot sa 6.6 milyong katao ang bumisita sa observation deck ng ika-89 palapag ng “Taipei 101 Tower” simula noong Enero 2005 hanggang Mayo 2010 kung saan pansamantalang itinigil ang ser-bisyo sa hindi nabatid na dahilan.

Ang Taipei 101 tower ay idineklarang world’s tallest building noong 2004 hanggang 2010 kung saan pumalit ang Burj Khalifa ng Dubai.  Subalit ikinokonsidera  ng karamihan na ang Taipei 101 tower ang world’s tallest green building dahil sa pagiging innovative at energy-saving design nito. May taas na 1, 667 feet (508 meters) at may 101 palapag ang nabanggit na tower at may 5-basement floor.

Dalawa sa 61 elevator ng tower ay itinuturing na world’s faster elevator dahil sa bilis na 37.7 miles kada oras (55.2 feet per second). Simula ground level hanggang ika-89 na palapag ay may bilis lamang na 44 seconds. May sukat na 893,000 square feet ang parking area sa basement kung saan maaaring pumarada ang 1,800 sasakyan.

Kailangan lamang na may palatandaan kayo kung saan ninyo ipinarada ang inyong kotse. Aabot naman sa US$1.8 bilyon ang construction cost nito. Bago masilayan ang top deck, kinakaila­ngan munang magtungo sa ika-89 na palapag bago sumakay sa dalawang ele­vator saka umakyat sa hagdanan patungo sa observation deck.

Simula noong Sabado (Hunyo 15, 2019) ay tatlong grupo na may 12-katao ang pinapayagan sa top deck kada araw na limitado lamang sa 40 minuto kada grupo.

Mahigpit na ipinagbabawal sa mga dayuhang turista ang anumang klase ng slipper, sandal at may takong na sapatos. Mahigpit din na ipinatutupad na magsuot ng safety equipment tulad ng safety belt na ilalagay sa railing ng viewing platform ng tower. May reser­vation fee sa top deck na NT$3,000 kada tao at sa mga nakapagparehistro bago matapos ang buwan ng Hunyo 2019 ay may 9 percent discount.

Kabilang sa package tour sa top terrace ang tinatawag na “101 Skyline 460” na fast transit sa top obser-vation deck, exclusive souvenir photos, “Cloud coffee”, at ang Taipei 101 souvenir bottled water.

Maaring mag-purchase ng ticket sa kkday website para makarating sa top observation deck ng Taipe 101 Tower. Maaa­ring sumakay ng MRT train station sa Taipei City kung saan hanapin ang Red Line (Xiangshan) o kaya Blue Line pa-Taipei City Hall Station at ilang metro lamang ang lalakarin para marating ang Taipei 101 tower.

Comments are closed.