IIPUNIN ng Manila Fame, ang premiere trade platform ng bansa para sa exports at disenyo na ngayon ay nasa ika-68 edisyon, ang pinakamagagaling na micro, small and medium enterprises (MSMEs) sa Oktubre 19 hanggang 21 ngayong taon na gaganapin sa World Trade Center sa Pasay City.
Magpapatuloy bilang blank canvass ang bi-annual trade show para sa mga magagaling na artist ng bansa na magbibigay ng plat-form na nag-aalaga ng malayang paglikha sa mga negosyante. Ipakikita rin dito ang kakaibang disenyong imprenta ng Filipinas para sa global audience.
Para sa kanilang edisyon ngayong Oktubre, ipapakita nila ang shades ng off white at ivory, pinakamaputlang rosa at kulay-balat. Ito ang tinatawag na soft colors ang hindi kumukupas, madaling ternohan.
“To emphasize the teeming ingenuity of local designers and entrepreneurs, Manila FAME serves as a springboard where they can explore their imagination. This will help us take Filipino craftsmanship to the next level,” sabi ni Paulina Suaco-Juan, bagong talagang executive director ng Center for International Trade Expositions and Mission or CITEM, ang export promotions arm ng Department of Trade and Industry(DTI) at nag-organisa ng Manila FAME.
Para sa layunin na mapalakas ang posisyon ng bansa bilang viable source ng mataas na kalidad na home décor at houseware products, pinagtipon ng Manila FAME ang exporters, designers at retail brands sa buong bansa para mailantad ang Filipino artistry sa pandaigdigang merkado. Iipunin din ang magagaling na produkto mula sa homegrown MSMEs sa home, furniture, lighting, holiday and gifts, fashion, visual arts at “food as gifts” sectors.
DESIGN FORWARD SPECIAL FEATURES
Ang darating na edisyon ng Manila FAME ay magtataglay rin ng pangatlong edisyon ng “Design Commune.” Ang espesyal na setting na ito ay pinag-isipan para makagawa ng matibay na designer-manufacturer relationship, kung saan nauunawaan ng mga designer ang kakayahan ng manufacturers, at ang manufacturers ay nakikilala ang kahalagahan ng disenyo ng produkto at development. Makatutulong din ito sa pag-iisip ng mga mas magagaling ng produkto at paglikha ang malawakang display para magtagpo ang inaasahan ng mga mamimili at kung saan makukuha.
Ang produktong layon na ma-develop ay ipakikilala naman sa iba’t ibang merkado ng Europe, US at Japan.
ARTISAN VILLAGE
Ang mga sangkap na hilaw ng Manila FAME, ang Artisan Village, ay isang lugar para sa masterfully made handcrafted pieces na disenyo ng Filipino MSMEs para ipakilala sa international market. Bilang bahagi ng pangako ng CITEM para itaguyod ang partisipasyon ng lokal na komunidad sa Manila FAME, ipakikita ang mga handicraft mula sa probinsiya ng Antique, Bohol, Caga-yan de Oro, Cebu, Negros Occidental, Negros Oriental, at Marawi.
BAMBOO EXTREME
Ang Bamboo Extreme program ay nagtutulak para malaman ang paggamit ng kawayan bilang hilaw na material para sa high-end lifestyle pieces at para muling magkaroon ng interes ang mga tao sa kawayan at mawala ang reputasyon nito bilang isang “poor man’s material.” Pinangunahan ng Design Center of the Philippines, ang programa ay isang presentasyon ng material na kawayan kung paano mai-apply ang paggamit ng kawayan bilang material na puwede sa koleksiyon ng millennials.
HOME AND WELLNESS PAVILION
Isa pang nagbabalik sa edisyon na ito ay ang Home and Wellness Pavilion, na nagpapakita ng malawak na kaalaman sa gourmet gifts, health at wellness products and services, at iba pang fiber-based goods na gawa ng mga piling grassroot communities na suportado ng Department of Agriculture-Agribusiness Marketing Service (DA-AMAS).
KATHA AWARDS
Idaraos din ng Manila FAME ang taunang KATHA Awards, ang tanda ng magaling na produkto at disenyo at inobasyon. Pipiliin ang pinakamagaling na innovative local fashion a lifestyle industries sa Manila FAME exhibitors na patuloy na gumagawa ng disenyo at nagbibigay kahulugan sa prestihiyosong disenyo ng bansa.
Puwedeng tingnan o bisitahin ang official Manila FAME website sa http://www.manilafame.com/Registration/Trade-Buyer para sa detalye ng mga interesadong bumili at sumali sa eksibisyon.
Comments are closed.