NASAKOTE ng mga operatiba ng District Special Operation Unit ng Northern Police District (DSOU-NPD) sa isinagawang manhunt operation kamakalawa ng gabi sa Pasay City ang No. 6 top most wanted person ng Zamboanga City dahil sa kasong Rape.
Ayon kay DSOU chief Lt. Col. Jay Dimaandal, ang pagkakaaresto kay Crisostomo Amotan, 37-anyos, warehouse man at stay-in sa Block 45, Ortigas St., Baclaran Pasay City ay resulta ng Intelligence research and intensified manhunt operation kontra sa mga wanted person.
Ani police investigator MSg Julius Mabasa, nakatanggap ang DSOU ng impormasyon na nakita ang akusado sa naturang lugar kung saan siya nagtatrabaho bilang warehouse man kaya agad nag-dispatch ng mga tauhan ang DSOU upang alamin ang ulat.
Nang positibo ang ulat, bumuo ng team ang mga operatiba ng DSOU sa pangunguna ni Capt. Melito Pabon saka isinagawa ang operation, kasama ang NDIT- RIU NCR, 4th MFC RMFB, Sindangan
Municipal Police Station Zamboanga City, at Pasay City Police na nagresulta sa pagkakaaresto kay Amotan dakong ala-6 ng gabi sa Block 45 Ortigas St., Baclaran, Pasay City.
Si Amotan ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Hon. Jose Rene Dondoyano, Presiding Judge ng RTC Branch 11 Sindangan Zamboanga Del Norte para sa kasong Rape na may petsang Hulyo 14, 2020 at walang inirekomendang piyansa. EVELYN GARCIA