Standings W L
*Ateneo 11 3
*UP 11 3
*NU 9 5
AdU 7 7
DLSU 7 7
UE 5 9
FEU 5 9
UST 1 13
*Final Four
NAKOPO ng Ateneo ang No. 1 ranking sa Final Four at hinila ang Adamson sa playoff sa La Salle para sa nalalabing semifinals berth sa 66-61 panalo sa UAAP men’s basketball tournament kagabi sa Araneta Coliseum.
Humabol ang Falcons rmula sa 15 points deficit at tinapyas ito sa 61-62 sa basket ni Cedrick Manzano, ngunit hindi bumitaw ang Blue Eagles kung saan umiskor si Ange Kouame ng lay-up para sa three-point lead.
Makaraang mabigo si Kouame na makumpleto ang three-point play, tinangka ng Adamson na baligtarin ang pangyayari sa huling 35.3 segundo, ngunit nagmintis sina Joaquin Jaymalin at Jed Colonia sa potential game-tying triples.
Sinelyuhan ni BJ Andrade ang panalo ng Ateneo sa pagsalpak ng dalawang pressure-packed free throws mula sa foul ni Jaymalin, may 8.4 segundo ang nalalabi.
Dapat magpasalamat ang Green Archers sa kanilang fierce rival Blue Eagles sa pagpapalawig sa kanilang season.
Nagbuhos si Evan Nelle ng season-high 25 points upang tulungan ang La Salle na makaiwas sa pagkakasibak sa 69-60 panalo kontra University of Santo Tomas sa unang laro.
Maghaharap ang Falcons at Green Archers sa Linggo, alas-6 ng gabi. sa Mall of Asia Arena para sa No. 4 spot. Ang magwawagi ay makakabangga ng Ateneo sa Final Four sa susunod na linggo.
Makakasagupa ng defending champion University of the Philippines, nahulog sa No. 2, ang third-ranked National University sa isa pang Final Four duel.
Humabol ang La Salle mula sa nine-point deficit upang mulusutan ang UST.
“It was a hard-fought ball game. We were missing players again and, as I told the guys, that it’s been a rough season for us,” wika ni coach Derrick Pumaren kung saan hindi naglaro para sa Green Archers sina Mike Phillips at Kevin Quiambao, na kapwa may sakit.
Iskor:
Unang laro:
DLSU (77) — Nelle 25, Cortez 13, Nonoy 10, B. Phillips 8, Macalalag 6, Austria 5, Estacio 3, Abadam 2, Buensalida 2, Manuel 2, Nwankwo 1, Winston 0.
UST (72) — Mantua 17, Cabañero 16, Calimag 10, Faye 9, Pangilinan 5, Manalang 4, Laure 4, Manaytay 4, Lazarte 3, Duremdes 0, Garing 0, Escobido 0.
QS: 21-27, 37-42, 55-59, 77-72
Ikalawang laro:
Ateneo (66) — Ballungay 18, Andrade 13, Kouame 12, Koon 7, Padrigao 6, Ildefonso 3, Gomez 3, Chiu 2, Lazaro 2, Garcia 0, Quitevis 0, Daves 0.
AdU (61) — Manlapaz 22, Lastimosa 10, Douanga 7, Hanapi 5, Flowers 5, Manzano 4, Yerro 4, Sabandal 2, V. Magbuhos 2, Colonia 0, Jaymalin 0, Barasi 0, Fuentebella 0, Barcelona 0, Torres 0, W. Magbuhos 0.
QS: 17-16, 33-27, 49-41, 66-61.