TOP TABLE TENNIS PLAYERS PAPAGITNA

TABLE TENNIS

PAPAGITNA ang mga manlalaro ng table tennis sa best of the best Super League na nakatakda sa March 27-31 sa Lipa City, Batangas.

Ang top three players ng bawat rehiyon ang sasabak sa limang araw na torneo na suportado ng Philippine Sports Commission (PSC) sa pamumuno ni  Chairman William Ramirez at ng Philippine Olympic Committee at itinaguyod ng Table Tennis Federation of the Philippines na pinamumunuan ni Ting Ledesma.

Lahat ng rehiyon ay kasali maliban sa ARMM, CAR at Region VII na hindi nagpadala ng kanilang atleta sa torneo, na kasama sa selection process para sa magiging kinatawan ng Filipinas sa 30th Southeast Asian Games na gaganapin sa bansa sa Nobyembre 30-Disyembre 11.

“Players who will emerge in the competition will have the chance to play in the SEA Games,” sabi ni Ledesma sa panayam sa kanya habang pinanonood ang mga manlalaro na nagsasanay sa masusing gabay ni Korean coach Kim Me Sook.

Pinalawig ng PSC ang coaching contract ng Korean coach para hasain at pagalingin ang mga Pinoy bilang paghahanda sa SEA Games.

Gusto sanang gawin ni Ledesma ang torneo sa Ateneo kung saan siya ang coach sa UAAP subalit hindi ito available kaya in-ilipat ito sa Lipa City.

“As much as possible, I want to hold the event in Ateneo. However, the venues are not available and I decided to hold the event in Lipa City. Table tennis enthusiasts in Batangas will have the rare opportunity to watch the tournament featuring national players plus a horde of upcoming players from the different regions,”dagdag pa ni Ledesma.

Pinaalalahanan ni Ledesma ang mga national player na ma­ging seryoso at maglaro  nang husto at huwag maliitin ang mga bagi-to dahil may kakayahan ang mga ito na  manalo.

“Play your best out there and do not underestimate your rivals to avoid embarrassment and humiliation,” aniya.

Kabilang sa mga kalahok sina Ryan Rodney Jacolo, Jean Mari Nayre, Rose Jean Fadol, Japeth Adasa, Sendrina Andrea Balatbat, at Emy Rose Dael. CLYDE MARIANO

Comments are closed.