IPATUTUPAD ang top to bottom reshuffle sa mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 3 bilang pagsunod ng Bureau of Immigration sa patuloy na reporma at transpormasyon upang masawata ang talamak na korupsiyon ng kanilang mga tauhan.
Apektado sa revamp ang hepe ng Port Operations Division (POD) deputies, terminal heads hanggang sa counter personnel, ito ay bilang pagsunod sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon sa report, ang Department of Justice (DOJ) ay may jurisdiction sa papalit kay Chief, POD Medina.
Upang maging epektibo ang reshuffle kasabay na naglagay ang BI ng mga CCTV camera sa lugar kung saan nagkakaroon ng illegal transaction sa loob ng NAIA sa pagitan ng immigration officers at incoming at outgoing passengers.
Humingi na rin ang BI ng tulong sa mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) sa isinasagawang imbestigasyon sa kanilang mga tauhan na sangkot sa “Pastillas” modus. FROI MORALLOS