TORING SABIK NA SA PVL DEBUT SA FARM FRESH

WALA nang makapipigil sa pro debut ni Lorene Toring para sa Farm Fresh sa PVL All-Filipino Conference.

Ibinahagi ng Foxies ang magandang balitang ito sa bagong taon kung saan nabawasan ang nasa kanilang injury list, na kinabibilangan ng mga tulad nina Rachel Daquis, Jolina dela Cruz, at Pia Ildefonso.

Bagama’t pinayagan na ng team doctors, si Toring ay hindi nagmamadali para sa eksaktong petsa ng kanyang pagbabalik sa court, at sa halip ay piniling unti-untiin ito. Kaya ang potential Jan. 18 debut kontra Nxled sa pagsisimula ng 2025 PVL action ay wala pang katiyakan sa ngayon.

“Hindi [ako] biglaan na lalaro. Dapat paunti-unti. Pero at least, sa wakas, puwede na. Kaya patuloy lang sa dasal at sa pakondisyon and may the new year be kinder to me and my teammates,” sabi ni Toring.

Sa mga panahong ito noong nakaraang taon, nakatakda sanang pangunahan ni Toring ang Adamson Lady Falcons bilang team captain bago ang kanyang final season ng UAAP eligibility sa Season 86, kipkip ang pag-asang maduplika ang makasaysayang podium finish noong naunang taon.

Subalit may ibang plano ang tadhana makaraang magtamo ang veteran middle blocker ng ACL injury sa isa sa unang
Isang buwan matapos ang kanyang injury at eventual operation, ang pangalan ni Toring ay kabilang sa 19-woman roster ng Farm Fresh para sa 2024 All-Filipino Conference sa kabila ng kanyang nagpapatuloy na recovery noong panahon na iyon.

Makakasama niya sa Foxies ang quartet ng fellow ex-Lady Falcons sa katauhan nina captain Louie Romero, Trisha Tubu, Ckyle Tagsip at Cae Lazo.

“Mas excited ako maglaro ulit kaysa takot. Siyempre ‘yung takot, hindi mo maiaalis ‘yan sa mga tulad ko na galing injury, pero nangingibabaw ‘yung excitement na mailaro ko na ‘yung pinaghirapan kong recovery with our PTs pati ‘yung makatulong sa team,” ani Toring.