Hinimok ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang publiko na gumamit ng alternatibong pampaingay na iwas disgrasiya sa pagsalubong sa bagong taon.
Torotot umano at videoke na lamang ang dapat gamitin.
Ito ay kasunod ng babala ng BFP sa publiko laban sa paggamit ng fireworks partikular na sa mga kabahayan ilang araw na lamang bago ang 2025.
Nakapagtala na ang ahensiya ng kabuuang 800 insidente ng sunog ngayong Disyembre na karamihan ay sa residential areas.
Ayon kay BFP-Public Information Service chief Annalee Atienza, ito rin ang standing order ng Department of the Interior and Local Government.
Hinimok din nito ang mga lokal na pamahalaan na magpasa ng ordinansa na ganap na nagbabawal sa paggamit ng mga paputok sa loob ng mga kaabahayan.
Nag-anunsiyo pa ang BFP na mangyari lamang na tawagan ang 911 para agad marespondehan at huwag unahin ang vlogging o pagkuha ng video sa insidente o sunog.
Mananatili naman na nakataas ang red alert o full alert status sa buong hanay ng BFP hanggang sa hanggang sa Enero 2, 2025.
ALIH PEREZ