ILANG araw bago ang pagsalubong sa Bagong Taon, abala na ang mga gumagawa ng torotot at pailaw sa Bulacan.
Ayon sa ilang manufacturer, bumaba ang bilang ng mga gumagamit ng paputok dahil sa anti-firecracker campaign ng gobyerno.
Gayunpaman, mas tinatangkilik na ngayon ng mga Pinoy ang mga pailaw gaya ng fountain, sparkles, at iba pa.
“Makikita natin ngayon mas marami ang gumagamit ng fountain, mga sparkles, mga pailaw. Nakikita nila mas safe ang mga pai-law, sa EO 28 kasi mas mahirap gamitin ang paputok, mas mabilis gamitin ang pailaw,” ayon kay Joven Ong, pangulo ng Philippine Fireworks Association.
Matumal man ang bentahan ngayong taon, tuloy pa rin ang paggawa ni Dolores Sieteriales ng mga torotot.
“‘Yung mga humahango sa amin, natatakot na rin lalo na kung umuulan. Plastic na kasi ngayon ang uso, kasi kapag nababasa ‘yun okay lang. Ito kapag nababasa, wala lugi talaga,” paliwanag niya.
Paalala ng awtoridad sa publiko na mag-ingat at huwag gumamit ng mga ipinagbabawal na paputok.
Sumunod din sa itinalagang firecracker zone para makaiwas sa disgrasya.
Comments are closed.