MATAPOS ang matagumpay na pagpapasuko kay Apollo Quiboloy, lider ng Kingdom of Jesus Christ at apat na iba pa sa KOJC Compound nitong Setyembre 8, tumaas ang posisyon ni Brig. Gen. Nicolas Torre III bilang opisyal sa Philippine National Police (PNP).
Itinalaga ito bilang director ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group na may sariling tanggapan sa loob ng Camp Crame.
Pinalitan ni Torre si MGen. Leo Francisco.
Si Torre, director ng PRO 11, ang nanguna sa operasyon sa KOJC compound na nagresulta sa pagsuko ni Quibuloy at apat na akusado na sina Jackielyn Roy, Ingrid Canada, Crisente Canada at Syliva Cemañes.
Itinalaga naman bilang Acting Regional Director ng PNP Region 11 si BGen. Leon Victor Rosete mula sa Southern Police District.
Epektibo kahapon ang balasahan sa utos ni PNP Chief Rommel Francisco Marbil.
EUNICE CELARIO