TOTAL BAN SA PAG-IMPORT NG BASURA

Rep Juliette Uy.jpg

TULUYAN nang pinatitigil ng isang ­kongresista ang pag-aangkat ng basura sa Filipinas.

Inihain ni Misamis Oriental Rep. Juliette Uy ang House Bill 9207 na nagpapatupad ng total ban sa importasyon ng anumang solid, liquefied at toxic wastes mula sa ibang bansa.

Giit ng kongresista, polluted na ng mga basurang galing sa ibang bansa ang mga ilog, lawa at karagatan sa Filipinas.

Aniya, malaking insulto ito sa mga Filipino at sa batas.

“Bukod pa rito, problemado na tayo sa tila walang katapusang basura mula sa mga sarili nating siyudad, factories at mga tahanan,” sabi pa ni Uy.

Giit pa niya, hindi na dapat tumanggap ng basura mula sa ibang bansa at huwag nang pumayag na gawing tambakan ng basura ang Filipinas.

Matatandaang ibinalik na kamakailan ang basura ng ­Canada na sinundan ng basura ng Hong Kong kahapon, habang nasa bansa pa ang basura ng South Korea at municipal waste ng Australia.       CONDE BATAC

Comments are closed.