TOTAL BAN SA PROV’L BUS SA EDSA

PROVINCIAL BUS

MAGPAPATUPAD  ng dry-run ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa dara­ting na Abril para sa total ban ng provincial buses sa EDSA.

Sa pahayag ni MMDA EDSA traffic Bong Nebria, dry-run muna ang gagawin nila para malaman ang talagang epekto nito kapag nagkaroon ng  total ban sa  lahat ng provincial buses sa EDSA.

Nabatid na ang  provincial buses na bumibiyahe mula sa Norte ang magiging huling destinasyon nito ay ang ginawang integrated terminal sa Valenzuela City at mula rito ay lilipat ang mga pasahero sa  bus na biyahe naman ng pa-Metro Manila.

Samantala, ang mga manggagaling naman sa southern part ay titigil sa Santa Rosa, Laguna Integrated Terminal at saka magtra-transfer sa city buses.

Ayon sa MMDA, nasa 46 provincial buses na nasa EDSA ang tuluyang ipasasara para makabawas  sa masikip na daloy ng trapiko.

Maglalagay ng harang sa buong EDSA maliban lamang sa mga designated loading-unloading area.

Ang hakbanging ito ay bunsod sa programa ng pamahalaan na magkaroon ng total traffic reduction sa Kalakhang Maynila.   MARIVIC FERNANDEZ

Comments are closed.