NATAPOS na ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang pagbuo ng polisiya na pansamantalang magbabawal sa lahat ng waste imports sa gitna ng pagdating ng misdeclared shipments na naglalaman ng mga basura.
Ayon kay DENR Undersecretary for Solid Waste Management and Local Government Units Concerns Benny Antiporda, ang moratorium, sa pamamagitan ng isang department order na ipalalabas ngayong linggo, ay magiging epektibo sa loob ng tatlong buwan.
Ani Antiporda, pirma na lamang ni DENR Sec. Roy Cimatu ang hinihintay para maipatupad na ang total ban sa waste imports.
“The moratorium will give way to the drafting of guidelines that will tighten the government’s grip on garbage being shipped to the Philippines,”aniya.
Isang inter-agency council, na kabibilangan ng National Solid Waste Management Commission ng DENR at Bureau of Customs (BOC), ang nakatakda ring buuin.
“I, personally, will propose for a ban doon sa mga import na [illegal] para if in case na palusutan mo kami, haluan mo ng basura talaga, kukumpiskahin namin ‘yung van at the same time, kakasuhan pa namin,” wika ni Antiporda.
“Doon naman sa misdeclaration, ‘pag nalusutan ang Bureau of Customs naman, we will have no choice but to run after the issuing party,” dagdag pa niya.
Comments are closed.