(Total cases, 216 na) 97 BAGONG KASO NG DELTA VARIANT

UMAABOT na ngayon sa 216 ang kabuuang kaso ng Delta variant ng COVID-19 sa bansa matapos na makapagtala pa ng 97 bagong kaso kahapon.

Batay sa resulta ng pinakahuling batch ng whole genome sequencing na inilabas ng Department of Health (DOH), University of the Philippines – Philippine Genome Center (UP-PGC), at ng University of the Philippines – National Institutes of Health (UP-NIH) araw ng Huwebes nabatid na bukod sa 97 bagong Delta (B.1.617.2) variant cases, nakapagtala rin sila ng 83 Alpha (B.1.1.7) variant cases, 127 Beta (B.1.351) variant cases, at 22 pang P.3 variant cases.

Anang DOH, sa 97 bagong Delta variant, 88 ang local cases, anim ang Returning Overseas Filipinos (ROF), at tatlo ang biniberipika pa kung local o ROF cases.

Sa anim na ROFs, dalawa ang seafarers na mula sa MT Clyde and Barge Claudia, na kasalukuyang nakadaong sa Albay, habang apat ang crew members ng MV Vega na dumating mula sa Indonesia.
Sinabi ng DOH na 94 naman sa mga ito ang nakarekober na mula sa sakit habang tatlo ang sinawimpalad na bawian ng buhay.

Nakikipag-ugnayan na ang DOH sa mga kinauukulang local government units (LGUs) upang matukoy ang iba pang impormasyon, gaya ng exposure at vaccination status ng mga pasyente.

“The total number of Delta variant cases is now 216,” anang DOH.

Samantala, nakapagtala rin ang DOH ng 83 Alpha variant cases sa bansa, kabilang ang 58 na local cases at 25 na biniberipika pa kung local o ROF cases.

Based sa case line list, 70 sa mga kaso ang nakarekober na habang 13 cases ang hindi pa batid ang kinahinatnan.

Sa kabuuan, ang Pilipinas ay nakapagtala na ng 1,858 total Alpha variant cases.

Ayon sa DOH, sa karagdagan namang 127 Beta variant cases, ay 87 ang natukoy na pawang local cases at 40 kaso ang biniberipika pa kung local o ROF cases.

Base sa case line list, isa na lamang sa mga ito ang aktibong kaso pa, 86 ang nakarekober na, at 29 pa ang biniberipika kung ano ang kinahinatnan.

“The total Beta variant cases are now at 2,146,” anang DOH.

Sa 22 namang bagong kaso ng P.3 variant cases, sinabi ng DOH na pito ang lokal na kaso habang 15 ang hindi pa batid kung lokal o ROF cases.

Ang pitong local cases ay pawang magaling na habang biniberipika pa ang kinahinatnan ng 15 iba pang kaso.

“Following the detection of additional cases with variants of concern, it is imperative for local government units to immediately crush clusters of infection and observed increases in cases in their respective jurisdictions to reduce transmission. This can be done through active case finding, shortening the detection to isolation/quarantine interval to less than five (5) days, tracing close contacts of suspects, probable, and confirmed cases within 24 hours of detection, and implementing more targeted granular lockdowns. Also, the intensified implementation of the PDITR strategies across all settings, stricter border control, and correct adherence to the minimum public health standards must be observed,” anang DOH.

Muli ring inihayag ng DOH na ang whole genome sequencing ay isinasagawang upang maging gabay sa overall response strategies ng pamahalaan at matukoy kung anong variants ng virus ang nagiging sanhi nang pagtaas ng mga kaso, kaya’t hindi anila ito dapat na gamitin bilang point-of-care strategies.
“Regardless of the presence of a variant of concern, the management and interventions for these positive COVID-19 cases remain the same,” anito pa.

“Furthermore, the DOH stresses the importance of vaccinating priority groups A2 (senior citizens) and A3 (persons with underlying conditions) since they are at high risk for severe COVID-19 and death. Vaccines are effective in reducing morbidity and mortality due to COVID-19, which will be very instrumental in our goal of saving lives,” dagdag pa ng DOH. Ana Rosario Hernandez

113 thoughts on “(Total cases, 216 na) 97 BAGONG KASO NG DELTA VARIANT”

  1. 877706 999198Dude.. My group is not considerably into searching at, but somehow I acquired to read several articles on your weblog. Its wonderful how interesting its for me to check out you fairly often. 845484

Comments are closed.