INIULAT ng Department of Health (DOH) na pumalo na sa 336,926 ang kabuuang bilang ng coronavirus disease 19 (COVID-19) cases sa bansa.
Batay sa case bulletin na inisyu ng DOH, nakapagtala pa sila ng 2,249 bagong kaso ng COVID-19 hanggang 4PM ng Sabado.
Ayon sa DOH, sa naturang bilang, 54,594 pa ang active cases at 85.8% nito ay mild, 10% ay asymptomatic, 2.9% ang critical, habang 1.3% ang severe.
Pinakamarami sa bagong kaso ay mula pa rin sa National Capital Region na umabot sa 651 new cases, sinundan ng Batangas na may 139 new cases, Iloilo na may 136 new cases, Laguna na may 128 new cases at Quezon na may 107 new cases.
May 842 namang bagong gumaling mula sa virus.
Sa kabuuan ay nasa 276,094 na ang bilang ng mga gumaling mula sa COVID-19 sa bansa.
May 87 namang naitala ang DOH na bagong nasawi dahil sa virus.
Sa bilang na ito 36 ay nasawi ngayong Oktubre, 40 noong Setyembre, 6 noong Agosto, 3 noong Hulyo, 1 noong Hunyo, at 1 noong Abril .
Sa ngayon, pumalo na sa 6,238 kabuuang bilang ng mga nasawi dahil sa COVID-19.
May 93 namang inalis ang DOH mula sa kabuuang bilang ng kaso ng virus na kanilang nai-report.
Kasunod pa rin ito ng kanilang nagpapatuloy na validation at paglilinis sa kanilang listahan. ANA ROSARIO HERNANDEZ
Comments are closed.