TOTAL ENTERTAINER AT OPM ICON RICO J. PUNO PUMANAW NA

RICO J PUNO

SUMAKABILANG – BUHAY na ang Total Entertainer at OPM icon na si Rico J. Puno dahil sa heart failure, nitong madaling araw ng Martes sa edad na 65, pahayag ng kanyang long-time manager na si Norma Japitana.

Ayon sa anak ni Rico na si Tosca, nalagutan ng hininga ang kanyang ama ng bandang 1:56 ng madaling araw sa St. Luke’s Medical Center Global City Taguig dahil sa cardiac arrest.

Sinabi ni Tosca na masaya pa ang kanyang ama noong gabi dahil sa mga parating niyang shows at ang shoot para sa ABS-CBN Station ID.

Isinilang na Enrico de Jesus Puno, nakilala ang music icon noong 1970s sa pagsikat ng kanyang mga awitin na “The Way We Were”  “May Bukas Pa,” “Kapalaran,” “Lupa,” “Macho Guwapito,” “Sorry Na Puwede Ba,” “Magkasuyo” at marami pang iba.

Nagkaroon ng dalawang major heart operations ang beteranong mang-aawit sa nagdaang tatlong taon.

Inoperahan siya sa puso noong 2015 at nilagyan ng pacemaker ngayong taon.

Muli siyang naospital dahil sa komplikasyon sa diabetes.

Magkakaroon pa sana siya ng concert sa Nobyembre 23 kasama sina Giselle Sanchez at Marissa Sanchez sa The Theatre sa Solaire.

Nakatakda rin siyang muling tumakbo bilang konsehal ng Makati City sa darating na 2019 midterm polls.

His body lies at the Sanctuario de San Antonio in Forbes Park Makati. Iaanunsiyo ang interment sa mga susunod na araw.

Comments are closed.