ISINAILALIM ng lokal na pamahalaan ng Muntinlupa sa dalawang linggong granular lockdown ang isang residential building dahil sa nakaaalarmang pagtaas ng kaso ng COVID-19.
Sinabi ni Muntilupa City Mayor Jaime Fresnedi na kanyang isinailalim sa 15-araw ang pagpapatupad ng extreme localized community quarantine (ELCQ) sa Building 2 ng BLISS (Bagong Lipunan Sites and Services) Complex sa Brgy. Putatan mula ala-6 NG gabi nitong Lunes na magtatapos ng hanggang ala- 6 ng gabi ng Setyembre 7.
Layon nito na mapigilan ang pagkalat pa ng transmisyon ng COVID-19 hindi lang sa naturang komunidad kundi sa buong lungsod.
Sa kanyang virtual na pagpupulong ay ipinaalam ni Fresnedi sa pangulo ng BLISS homeowners’ association na si Aquino Veran na isasailalim ng lokal na pamahalaan ang total lockdown sa Building 2 kung saan walang papayagang lumabas ng gusali at hindi rin maaaring umalis sa naturang building maliban na lamang sa sitwasyon ng emergency.
Ang BLISS na isang residential complex na mayroong pitong gusali na matatagpuan malapit sa Muntinlupa City hall ay ang ika-walong komunidad na isinailalim sa granular lockdown simula ng ipatupad ang enhanced community quarantine (ECQ) noong Agosto 6 at ngayong inilagay na sa modified enhanced community quarantine (MECQ).
Ang Building 2 ng BLISS sa lungsod ay mayroong 16 na household at 80 residente kung saan 13 sa mga ito ay mayroong aktibong kaso ng COVID-19.
Ayon naman kay City Health Office (CHO) chief Dr. Juancho Bunyi nakapagtala ang komunidad ng pagtaas ng attack rate mula 375 sa bawat 10,000 populasyon noong isang Linggo kumpara sa kasalukuyang record na 1,625 sa bawat 1,000 populasyon na napakalaki ng agwat.
Nabatid na karamihan sa mga residente ng nabanggit na komunidad ay hindi sumusunod sa minimum health protocols na ipinatutupad ng lokal na pamahalaan tulad ng pagsusuot ng face masks/face shield at pag-oobserba ng physical distancing.
“Ang mga tao sa building ay labas-masok. Nakapagtala din kami ng grupo ng high risk tulad ng senior citizens at mga bat ana mas mababa ang edad sa limang taong gulang kung kaya’t aming inirekomenda ang lockdown,”ani Bunyi.
Sa kasalukuyan ay pitong komunidad sa lungsod ang nakapailalim din sa granular lockdown.
Ang mga nakapailalim na pitong komunidad sa 14-araw na ELCQ ay ang Building 17 at Filinvest Socialized Housing sa Alabang at limang kalsada sa Katarungan Village 1, Barangay Poblacion na sinimulan noong Agosto 19 at magtatapos sa Setyembre 2.
Ang iba pang komunidad na nakapailalim sa granular lockdown sa lungsod ay ang Purok 3, Molera Compound sa Barangay Sucat at Purok 7, Beatriz Compound, De Mesa L & B Street sa Barangay Alabang na nagsimula ng Agosto 6 hanggang 27; Block 8, Hills View at Mangga St., Lakeview Homes sa Barangay Putatan mula Agosto 12 hanggang 26; at ang Chico St., Laguerta sa Barangay Tunasan na isinailalim sa ELCQ noong Agosto 10 hanggang Agosto 25.
Sa COVID-19 update ng Muntinlupa ay nakapatala ang lungsod ng 2,028 aktibong kaso sa kabuuang 17,946 kumpirmadong kaso kung saan 15,495 sa mga ito ay mga naka-recover na habang 423 naman ang mga namatay. MARIVIC FERNANDEZ
62384 920064Wow! This could be one particular of the most helpful blogs Weve ever arrive across on this subject. Basically Exceptional. Im also an expert in this subject therefore I can recognize your effort. 433737
231763 986141There is noticeably a bundle to realize about this. I assume you made various good points in features also. 992933