MAY 90 pasyente ang bagong gumaling sa coronavirus disease (COVID-19) sa bansa.
Batay ito sa pinakahuling ulat ng Department of Health dakong alas-4:00 ng hapon ng Hunyo 3.
Dahil dito ay nasa 4,153 na ang total recoveries sa COVID-19 sa Filipinas.
Habang walo pa ang nasawi kaya nasa kabuuang 974 na ang mga nasawi sa nasabing sakit.
Nadagdagan naman ng 751 ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa kaya nasa 19,748 ang kabuuang bilang nito.
Sa nasabing bilang, 221 ang “fresh cases” habang 530 ang “late cases”.
Comments are closed.