UMAKYAT na sa kabuuang 26,617 ang bilang ng mga pasyente sa bansa na gumaling na mula sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ito ay matapos na makapagtala pa ang Department of Health (DOH) ng 173 pang bagong COVID-19 recoveries.
Batay sa case bulletin no. 136 na inilabas ng DOH, nabatid na hanggang alas-4:00 ng hapon ng Hulyo 28 ay nakapagtala rin sila ng panibagong 1,678 pang kaso ng virus, sanhi upang lumobo pa sa 83,673 ang confirmed COVID-19 cases sa Filipinas.
“As of 4PM today, July 28, 2020, the Department of Health reports the total number of COVID-19 cases at 83,673. A total of 1,678 confirmed cases are reported based on the total tests done by 81 out of 91 current operational labs,” anang DOH.
Sa naturang bilang, 698 ang mula sa National Capital Region (NCR), 218 ang mula sa Laguna, 100 ang mula sa Cebu, 87 ang mula sa Cavite at 33 ang mula sa Davao del Sur.
Ang 90.2% nito ay mild lamang ang sintomas, 8.9% ang asymptomatic, 0.5% ang severe at 0.4% ang critical.
Samantala, mayroon pang apat na pasyente ang namatay dahil sa sakit sanhi upang umabot na sa 1,947 ang total COVID-19 death toll sa bansa.
Sa naturang bilang, dalawa ang namatay noong Hulyo at dalawa rin nitong Hunyo. Dalawa naman sa mga namatay ang mula sa NCR at dalawa ang mula sa Region 7.
“There were thirty-four (34) duplicates (including 2 recovered cases) were removed from the total case count. In addition, eleven (11) cases to be false positives have been removed after final validation,” anang DOH.
“Moreover, two (2) cases that were previously reported to have died has been validated to have recovered and were included in the count of new recoveries,” anito pa. ANA ROSARIO HERNANDEZ
Comments are closed.