KAILANGAN na nga bang magpatupad ng ‘total revamp’ si Pangulong Rodrigo Duterte sa Bureau of Customs (BOC), Bureau of Internal Revenue (BIR) at Bureau of Immigration (BI) para tuluyang masugpo ang katiwalian sa nasabing mga tanggapan?
“It is business as usual for corrupt BOC officials,” wika ni Senador Panfilo nang ibunyag niya ang nagpapatuloy ang katiwalian sa Aduana dahil nakalulusot pa rin umano ang mga ilegal na droga, basurang galing sa iba’t ibang bansa at pati na ang ‘tara’ system.
“Despite my expose on the massive corruption inside the BOC, much to my dismay, I was informed just recently that ‘tara’ system has not been, by any chance suppressed. Marahil ay kailangan nang gumamit si Presidente Duterte ng kamay na bakal para masugpo ang bagay na ito,” ani Senator Ping.
Inirekomenda ni Senator Ping kay Pangulong Duterte ang total revamp sa BOC at BI dahil, aniya, sa hindi pagkilos ng pamunuan nito laban sa isang Zhiijian Xu, alyas Jacky Co na labas-pasok sa Filipinas. Ang Chinese man na ito ang itinuturong nasa likod ng P1.8 bilyong shabu shipment sa bansa.
“Co was also involved in kidnapping activities, and is the owner of Feidatung International Logistic Company based in Bulacan, bakit walang aksiyon dito ang BI top management?,” pagtatanong ni Lacson.
Sa ganitong pahayag ng senador ay tila nabalewala ang nilagdaan nina BOC Commissioner Rey Leonardo Guerrero, Armed Forces Chief of Staff Gen. Carlito Galvez at Philippine Coast Guard Admiral Eleseo Hermogino hinggil sa pagpapakalat ng 600 personnel ng AFP at PCG sa BOC na magsisilbing bantay para ganap na masugpo ang smuggling, illegal drugs at katiwalian na ang direktiba ay galing mismo kay Presidente Digong.
Sa BIR, maraming ulit nang tinangka ni Finance Secretary Carlos ‘Sonny’ Dominguez III na balasahin from top to bottom ang nasabing tanggapan ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin ito maisakatuparan.
Tila hinihintay na lamang umano ni Commissioner Caesar Dulay ang ‘go signal’ ni Presidente Duterte para lisanin ang BIR at tuluyan nang magretiro sa edad na 74 dahil sa problema sa kanyang kalusugan.
Ang BIR at BOC ay kabilang sa mga ahensiya ng pamahalaan na sinasabing talamak ang korupsiyon, kasama ang Department of Public Works and Highways (DPWH) at Department of Transportation (DOTr).
Si Commissioner Dulay ay napaulat ding napipisil ng Malacañang na ilagay sa puwestong binakante ni Foreign Affairs Secretary Teddy Benigno bilang bagong Ambassador sa United Nations.
Pero kung si Commissioner Dulay umano ang masusunod ay mas gusto nitong magpahinga na sa serbisyo dahil sa kanyang edad at health problem.
Para sa komento o opinion, mag-text lamang po sa 09266481092 o mag-email sa [email protected].
Comments are closed.