Total solar eclipse, babala ng trahedya

MAY  kakaibang magaganap sa April 8, 2024. Araw ng Lunes, simula ng isang linggo, magkakaroon ng total solar eclipse na daraan sa North America. Daraan din ito sa ibang bahagi ng Mexico, central at eastern United States, at southeastern Canada. Sa kabutihang palad, hindi visible ang nasabing eclipse sa Pilipinas. Kung ganoon ba, maliligtas tayo sa trahedya?

Nagaganap ang solar eclipse kapag dumaraan ang buwan sa pagitan ng araw at ng mundo. Minsan, natatakpan lamang ng buwan ang Liwanag ng araw na tinatawag nating partial solar eclipse.

Minsan naman, natatakpan ng buwan ang mismong araw, na tinatawag naman nating total solar eclipse. Habang natatakpan ng buwan ang Liwanag ng araw, nagkakaroon ng anino sa ilang bahagi ng mundo. Ang anino ng buwan ay lumilikha ng guhit habang umiikot ang mundo, at ang guhit na ito ay tinatawag na path of totality. Ang mga lugar na madaraanan ng path of totality ay makakaranas ng total darkness sa oras ng eclipse dahil natatakpan ng buwan ang Liwanag ng araw sa loob ng ilang minute. Sakaling matapat ito ng araw, magmimistulang gabi ito na walang bituin.

At sa April 8, 2024 nga, Lunes, magkakaroon ng total solar eclipse sa mga lugar na nabanggit na.

Papasok ang path of totality, una sa United States sa Texas, at pagkatapos ay daraan sa Oklahoma, Arkansas, Missouri, Illinois, Kentucky, Indiana, Ohio, Pennsylvania, New York, Vermont, New Hampshire, at Maine. Cleveland, gayundin sa northern Ohio at northwest Pennsylvania, na makakaranas ng totality sa tanghali. Makakaranas naman ng totality ang Cleveland sa pagitan ng 3:13 at 3:17 PM EDT.

Para sa mga tao noong unang panahon, ang total solar eclipse ay nagdadala ng takot at pangamba. Iniisip nilang ito na ang katapusan ng mundo o kaya naman ay oras upang mas lumakas ang kapangyarihan ng mga evil spirits. Ayon sa alamat, isang halimaw ang nagtatangkang wasakin ang araw upang masira ang balanse ng mundo. Sabi naman ng iba, nagalit ang Diyos ng Araw kaya nalulungkot siya at may sakit.

Sa Pilipinas, pinaniniwalaang may isang dragong nagngangalang Bakunawa na nais lunukin ang buwan kaya nagkakaroon ng lunar eclipse. Tinatawag na ‘laho” ng mga Tagalog ang eclipse. Kapag may “laho,” iniispi ng lahat na isa itong babala ng isang masamang mangyayari, kaya nagtutungo sila sa simbahan upang magdasal.

Sa makabagong spiritual traditions, pinaniniwalaan namang ang solar eclipses ay oportunidad upang nagbago at magnilay. Ito ang pagkakaton upang wakasan ang mga pagkakamali, magsimula ng bagong buhay, at muling isilang na may kaakibat na paninindigan. Naniniwala ang ilang tao na ang solar eclipse ay magdadala ng spiritual awakening at magkakaroon ng sense of awareness sa mga bagay-bagay.

Hindi lamang sa Pilipinas ang paniniwalang may dalang kamalasan ang mga eclipse. Maraming naniniwalang nagdadala ito ng kamatayan, pagkawasak, at disasters. Ang pinaka-popular na misconception ay ang paniniwalang makasasama sa sanggol sa sinapupunan ang eclipse kaya dapat manatili sa loob ng bahay ang babaing buntis.

Sa totoo lang, mapupukaw ng solar eclipse ang inner passion at pagkauhaw sa self-discovery. Ito’y panahon upang yakapin ang adventure at hanapin ang bagong karanasan. Sa ibang kultura, ang solar eclipse ay pinaniniwalang nagdadala ng transformative energies, nagbibigay ng oportunidad para sa personal at collective renewal. Kaakibat nito ang mga ritwal, panalangin, at meditation practices, na nagbibigay-pagkakataon sa mga indibidwal na na palakasin ang kanilang spiritual energy upang makakonekta sa kanilang inner selves.

Sakaling ipanganak ang isang sanggol sa oras ng solar eclipse, sinasabing makakaranas ito ng maraming pagsubok sa buhay. Magiging matigas raw ang ulo ng batang ito, mahirap disiplinahin, at palaaway.

Nagtatagal ang solar eclipses ng 10 segundo hanggang walong minuto. Sa loob ng 12,000 taon mula 4000 BCE hanggang 8000 CE, ang pinakamatagal na total solar eclipse ay magaganap sa July 16, 2186, at magtatagal ng 7 minutes 29 seconds. NLVN