CEBU – HINDI na naisalba pa ang 5-anyos na batang lalaki habang nasa ospital pa ang pitong kaanak nito matapos malason umano sa puffer fish o butete sa Barangay Pangan sa Lapu Lapu City.
Nabatid na ang butete ang naging almusal ng pamilya Casiaos noong Martes ng umaga.
Makalipas ang pitong oras ay namatay ang bata habang isinugod sa ospital ang kanyang ama, ina at limang kapatid.
Nakaramdam ang mga miyembro ng pamilya ng pagsakit ng ulo at tiyan at pagsusuka hanggang manghina matapos kumain ng butete.
Samantala, iniimbestigahan na ng mga doktor sa Vicente Sotto Memorial Medical Center (VSMMC) kung paano at bakit tinamaan ng food poisoning ang pamilya.
Sinabi ng mga biktima na rati na silang kumakain ng butete subalit hindi naman sila nagkaroon ng food poisoning.
Inaalam ng mga eksperto kung posibleng hindi tamang paghahanda at storage ng pagkain ang dahilan ng insidente. PILIPINO Mirror Reportorial Team
Comments are closed.