TOTOY BINUGBOG NG TSINOY

bugbog

VALENZUELA CITY – KALABOSO ang isang Tsinoy na helper nang bugbugin ang isang 15-anyos na totoy at pagbantaang papatayin kamakalawa ng gabi sa lungsod na ito.

Kasong physical injuries in relation to R.A. 7610 o Special Protection of Children Against Child Abuse, Exploita-tion and Discrimination Act ang isasampa laban sa suspek na si Erwin Tan, ng 123 Atis St., Antonio Subdivision, Brgy. Dalandanan.

Alas-9:00 ng gabi ay namimisikleta lamang ang biktimang itinago sa pangalang “Juancho” nang madaanan ang  mga tumatagay sa Atis Street.

Biglang tumayo ang suspek at itinulak sa kanal si Juancho saka inagaw ang bag nito at ipinukol sa bata bago ito sinimulang kulatain.

Sa sumunod na tagpo ay dinakma ni Tan ang bisikleta ni Juancho at ibinato ito sa totoy saka nagbantang sinabing “Papatayin ko na ‘to”.

Kumaripas sa takot si Juancho papuntang Sumilang St., Brgy. Dalandanan kung saan siya nakahingi ng tulong sa mga tanod  na naghatid sa kanya sa himpilan ng pulis.

Sa follow-up ope­ration ay nadakip ang abusadong Tsinoy at idiniretso sa selda. VICK TANES