VALENZUELA CITY – INOOBSERBAHAN sa ospital ang isang 17-anyos na binatilyo makaraang saksakin ng 6-anyos na bata, na anak ng kaniyang nakaalitan sa lungsod na ito.
Batay sa report ng Valenzuela City Police, ang biktima ay kinilalang si alyas Jeff, ng Barangay Balangkas, habang ang paslit ay si alyas Boni, grade 2 student.
Sa imbestigasyon ng mga pulis, Sabado ng hapon (October 06) nang magkaroon ng pagtatalo si Jeff at ama ni Bonni na si Ruel Dichoso.
Minura umano ni Jeff si Dichoso na lasing hanggang sa hampasin ng kawayan.
Hinabol ni Dichoso si Jeff na nakasalubong naman ni Boni na pinagsasaksak ang biktima sa tiyan gamit ang isang kitchen knife.
Dinala si Jeff sa Valenzuela City Emergency Hospital, subalit kinalauna’y inilipat sa Valenzuela Medical Center kung saan siya inoobserbahan.
Sinasabing si Boni ay isang “child at risk” at hindi inaresto ng mga pulis, at sa halip ay ipinaubaya sa kustodiya ng Valenzuela City Child Protection Center para sa counseling at intervention. EVE GARCIA
Comments are closed.