TOTOY NA NAGNAKAW NG CELFONE NAKORNER

NA-TRAP ng mga construction worker ang magnanakaw ng cellphone sa loob ng kanilang barracks makaraang mahuli ang isang 15-anyos na lalaki na tangay ang apat na cellular phones sa Malabon City kahapon ng madaling araw.

Ayon kay Malabon police chief Col. Amante Daro, ang suspek na menor-de-edad ay itinurn-over sa Bahay Sandigan, matapos mahuli bandang alas-4 kamakalawa ng madaling araw nang pasukin ng binatilyo ang barracks ng mga construction worker sa isang construction site sa Pampano St. Brgy. Longos,Malabon City.

Batay sa report ng Malabon Police, nagising ang isa sa mga construction worker na si Ronel Abucejo, 35-anyos, at napansin niya ang suspek na nagmamadaling lumabas ng barracks.

Agad ginising ni Abucejo ang kanyang mga katrabaho at humingi sila ng tulong sa nagpapatrolyang mga tauhan ng Malabon Police Sub-Station 5 na kaagad hinabol ang binatilyo hanggang makorner nina Cpl. Sergio Consulta III, Pat. Alexis Canizarez at Pat. John Cedric Goque.

Nabatid na naging sunud-sunod ang pagnanakaw sa loob ng barracks hanggang sa matiyempuhan ang suspek.

Narekober sa binatilyo ang apat na mobile phones na aabot P12,800 ang halaga at nang kapkapan ay nakumpiska sa kanya ang nakasukbit sa baywang na isang cal. 38 revolver na kargado ng dalawang bala.
VICK TANES