CAVITE – SINALUBONG ni kamatayan ang 7-anyos na totoy na nakipaglaro sa kanyang mga pinsan sa swimming pool matapos itong malunod sa Ligata Resort sa Brgy. Paradahan 1, bayan ng Tanza sa lalawigang ito nitong Linggo ng hapon.
Agad na isinugod sa MV Santiago Hospital ang biktimang si Charius Raiven Burgos ng Brgy. Bagtas subalit idineklarang patay ni Dr. Loly Araguna.
Sa police report na nakarating sa Camp Pantaleon Garcia, nabatid sa imbestigador na si SSg Jonathan Lagario, bandang alas-3 ng hapon ay nakatanggap sila ng tawag sa telepono na may naganap na drowning incident sa nasabing lugar.
Kaagad na tinungo ni Lagario ang nasabing resort kung saan base sa salaysay ng ina biktima na ang kanyanganakk ay sumama sa kanyang mga pinsan para maligo sa pambatang swimming pool.
Gayunpaman, lingid sa kaalaman ng mga pinsan ng biktima ay lumipat ito sa pang-adult na swimming pool kaya ito nalunod.
Kaagad na sinaklolohan ang biktima bago nagsagawa ng cardio pulmonary resuscitation ang mga rescuer bago dinala sa hospital subalit dead on arrival na ito. MHAR BASCO