TOURISM COOPERATION NG BRUNEI AT PINAS PALALAKASIN

BANDAR SERI BEGAWAN, Brunei- Dakong alas 10:10 ng umaga nang lumapag sa Brunei International Airport kahapon ang PR 001 lulan si Pangulong Ferdinand R Marcos Jr. at kanyang delegasyon para sa dalawang araw na state visit dito.

Ang official welcome ceceremony ay ginanap sa Istana Nurul Iman sa unang araw ng kanyang pagbisita dito kung saan ay nagkaroon ng Inspection of Guard of Honor na sinundan ng general audience kina Sultan Haji Hassanal Bolkiah at Her Majesty Duli Raja Isteri Pengiran Anak Hajah Saleha.

Matapos managhalian ay nagsagawa ng bilateral meeting kung saan tatlong Memoranda of Understanding (MOUs) at isang Letter of Intent ang nilagdaan sa pagitan ng Pilipinas at Brunei.

Ang tatlong MOUs ay naglalayong lalo pang palakasin at pasiglahin ang tourism cooperation sa pagitan ng dalawang bansa; Mutual Recognition of Standards of Training, Certification and Watchkeeping (STCW) certificates; at maritime cooperation.

Samantala, ang LOI naman ay para sa pag- renew ng memorandum of understanding sa food security at agricultural cooperation.

Ang MOU sa tourism cooperation ay nilagdaan sa pagitan ng Department of Tourism (DOT) at ng Ministry of Primary Resources and Tourism (MPRT) ng Brunei Darussalam, na naglalayong lalo pang madagdagan ang mga tourism projects at tourist arrivals sa pagitan ng dalawang bansa.

Layunin din nito na suportahan ang tourism development, partikular sa area ng Islamic tourism gayundin ang promotion ng mga Muslim friendly destinations.

Ang MOU sa STCW certificates ay nagbibigay ng halaga sa national agencies ng Pilipinas at Brunei upang kilalanin ang mga national certificates na kapwa inisyu ng dalawang bansa.

Nilagdaan din ang MOU on Maritime Cooperation kung saan nagkasundo ang dalawang bansa na lalong palawakin ang cooperation sa iba pang mga areas tulad ng pollution, skills training, research and information sharing.

Ang LOI naman ay sa pagitan ng Department of Agriculture (DA) at Agriculture and Agrifood Department (AAD) ng Ministry of Agriculture of Brunei Darussalam.

Sa bilateral meeting nina Pangulong Marcos at Sultan Bolkiah ay sinabi ng Punong Ehekutibo na patuloy at lalo pang palalakasin ang close engagements sa lahat ng areas ng bilateral cooperation ng dalawang bansa.

“And for that, we hope to expand the partnerships that we have begun and we feel that there is much potential that we can examine,” sabi pa ng Pangulong Marcos.

“I think the MOUs that are being signed today that we shall witness, Your Majesty, will be a very good start to once again re-energize, and I think the areas that we have talked about – that we have paid attention to for these MOUs are certainly rich with potential,” dagdag pa ng Pangulo.

Sa panig naman ni Sultan Bolkiah sinabi niyang ang economic ties at people-to-people exchange sa pagitan mg Pilipinas at Brunei ay patuloy na palalakasin upang matiyak na magiging kapaki pakinabang sa dalawang bansa.

“Your state visit today is customary to our two countries to continue the friendship and ties. That’s clear as we celebrate the 40th anniversary of diplomatic relations. I believe that we are commemorating this significant occasion through visits,” sabi ni Sultan Bolkiah.

“I’m looking forward to further enhancing our friendship in areas of future interest, which I believe will greatly benefit our countries and people,” dagdag pa ni Sultan Bolkiah.

Si Pangulong Marcos ay nandito para sa dalawang araw na state visit sa imbitasyon ni Sultan Bolkiah.

Ang diplomatic relations sa pagitan ng dalawang bansa ay mahigit 40 taon na mula nang maisapormal ito noong Enero 1984.
EVELYN QUIROZ