UMAANDAR na ang pagpoproseso ng pamahalaang lokal ng Lungsod ng Maynila para sa pagpa-finalize ng tourism development plan na kauna-unahang muli sa kasaysayan ng lungsod.
Ito ang inanunsiyo ni Mayor Isko Moreno nang mabatid na walang nakalatag na plano ang Department of tourism, culture and arts of Manila (DTCAM) kaya’t binigyan nito ng “go signal” si Charlie Dungo, hepe ng nasabing departmento signal upang ituloy ang plano na magbibigay sa turismo ng lungsod ng tiyak na direksyon
Dahil dito, sinabi ni Dungo na sa pamamagitan ng suporta ni Moreno at ng city council sa pamumuno ni Vice Mayor Honey Lacuna bilang presiding officer, ang kaunahang Tourism Development Plan 2020-2023 ay aandar na.
Samantala, pinapurihan ni Moreno ang DTCAM makaraang masungkit ang grand prize para sa “Move Your Destination Forward!” video contest sa katatapos na 21st National Convention of the Association of Tourism Officers of the Philippines na ginanap noong Oktubre 29, 2020.
Ang nasabing timpalak ay ginawa para sa mga miyembro ng Association of Tourism Officers of the Philippines at ang mga ginawang videos para sa contest ay upang ipakita sa publiko ang ibat-ibang tourist attractions gayundin ang mga lokal na destinasyon upang pasiglahin ang turismo sa kabila ng pandemya.
Kabilang sa mga nagsipagwagi ay ang mula sa Luzon- Municipality of Mauban, Quezon; Visayas – Province of Negros Occidental and Mindanao-Province of Davao Del Norte. VERLIN RUIZ
Comments are closed.