PINAYUHAN ni Deputy Speaker at Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel ang lahat ng tourism-related establisments sa buong bansa na maghanda sa posibilidad ng matagal na pagbangon ng industriya.
Partikular na tinukoy ng kongresista ang mga tourism-related establishment and business na nakadepende sa mga foreigner visitor.
Ayon kay Pimentel, nasa sitwasyon ngayon ang bansa kung saan 49 na airports nationwide ang mag-o-operate sa mas mababa sa kapasidad sa matagal na panahon.
Malabo rin aniyang asahan sa ngayon ang pagbabalik ng international air travel at kahit ang domestic travel ay posibleng matagalan pa bago makabawi.
Sa pagtaya ng mambabatas, maraming pamilyang Filipino ang iiwasan muna ang lokal na pagbyahe sa himpapawid hanggang sa magkaroon na ng COVID-19 vaccine.
Sakali mang mamamasyal ay posibleng malapit lamang ang pupuntahan na hindi na kakailanganing sumakay ng barko o eroplano.
Nauna nang inihayag ng Civil Aviation Authority (CIA) na 16 na airports pa sa Filipinas ang sarado pa ang commercial flights.
Sa 2021, aabot lamang sa P1 million ang pondo para sa new aviation structure dahil kasalukuyan pa ring kinukumpleto ang naunang P16 billion obligated funds para sa pagsasaayos ng mga pasilidad at imprastraktura sa mga paliparan. CONDE BATAC
Comments are closed.