TOURISM WORKERS ISAMA SA AYUDA

SA paglalagay muli ng Metro Manila, Bulacan, Rizal, Cavite, at Laguna sa lockdown simula ngayong araw, Marso 29, hanggang Abril 4, nakikiusap ang grupong “Turismo Isulong Mo” sa pamahalaan na isama na sa unang bibigyan ng ayuda ang mga manggagawa sa tourism industry.

Ayon kay Turismo President Raissa Melivo, “noong nag-lockdown ang bansa last year, medyo nahuli mabigyan ng ayuda o “SAP” yung mga manggagawa sa tourism sector”.

“Kung tutuusin, marami pa sa aming mga miyembro ang hindi pa nakakabalik sa trabaho since last year dahil hindi naman binuksan one hundred percent ang turismo kaya madami sa amin ang isang kahig, isang tuka pa rin ngayon,” ani Melivo.

Inilagay ng Palasyo muli ang National Capital Region (NCR) at mga karatig-lalawigan nito sa enhanced community quarantine (ECQ) dahil sa patuloy na pagsirit ng bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19 virus at napupuno na ang mga ospital dahil sa dami ng mga pasyente.

Bagamat bukas ang mga grocery, supermarket, botika, hardware, at mga bangko, tanging mga “authorized persons”, workers, at delivery boys lang ang pwedeng lumabas ng bahay.

Nakiusap rin naman si Melivo sa Department of Tourism (DOT) at Department of Labor and Employment (DOLE) na sana ay mabigyan rin ng ayuda ang mga manggagawa sa turismo.

“Kung may maibigay na cash o kind ang mga ahensyang ito sa mga trabahador sa turismo, malaking tulong ito para doon sa mga miyembro namin sa NCR plus bubble,” aniya pa. PMRT

3 thoughts on “TOURISM WORKERS ISAMA SA AYUDA”

Comments are closed.