TOURIST ARRIVAL SA PH MABABA PA RIN — BI

MABABA pa rin ang tourist arrival sa bansa sa kabila ng pinaluwag na travel restrictions ng pamahalaan, partikular na sa mga fully vaccinated laban sa COVID-19, ayon sa Bureau of Immigration (BI).

Sinabi ni BI Spokesperson Dana Sandoval na hindi pa rin naaabot ng Pilipinas ang bilang ng mga turistang dumating sa bansa bago tumama ang pandemya.

Katulad, aniya, noong Setyembre kung saan wala pang isang milyon ang tourist arrival bawat nationality na karaniwang naitatala sa ganitong panahon.

Nabatid na sa mga dumating na turista noong nakaraang buwan, pinakamarami ang mga Amerikano na umabot sa mahigit 370,000.

Sinundan ito ng mga Korean na nasa higit 187,000.

Nasa 70,000 naman ang mga Australian, 68,000 na Canadian at ang Japanese national ay nasa higit 62,000. DWIZ 882