PUMALO na sa halos isang milyon ang mga dumating na turista sa Bicol region simula noong Enero.
Batay ito sa tala ng Department of Tourism kasunod na rin ng pagsasara ng Boracay island.
Ayon kay DOT Bicol Director Benjamin Santiago, fully booked na ang halos lahat ng mga hotel sa Bicol at maging ang mga bahay na malapit sa mga tourist spots ay tumatanggap na rin ng mga turista.
Sinabi pa ni Santiago, karamihan sa pinupuntahan ng mga turista ay ang white beaches sa isla ng Caramoan sa Camarines Sur, Ticao sa Masbate at Calaguas sa Camarines Norte.
Gayundin ang mga hot at cold spring sa Albay at Sorsogon.
Kasabay nito, tiniyak ni Santiago na kanila pang pagagandahin ang kanilang serbisyo at ia-upgrade ang mga pasilidad sa mga pangunahing tourist spots sa Bicol. KRISTA DE DIOS-DWIZ882
Comments are closed.