BUMABA ang bilang ng mga dumating na turista sa Isla ng Boracay sa unang dalawang buwan ng kasalukuyang taon.
Ito ay makaraang ipatupad ng pamahalaan ang travel restriction sa mga bansang may pinakamaraming kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID)-19.
Sa talaan ng Municipal Tourism Office ng Malay, Aklan, nasa 40 porsiyento ang ibinaba ng tourist arrivals sa pamosong isla sa unang dalawang buwan ng taon kung ikukumpara noong 2019.
Napag-alamang 103,834 ang bilang ng mga turistang bumisita sa Boracay noong Enero, na mas mababa sa 172,695 tourist arrivals noong 2019.
Lumitaw pa sa kanilang record na kung noong 2019 ay 59,768 ang tourist arrivals sa ‘love month’, ngayong 2020 ay nasa 490 lamang ito.
Samantala, pinaghahandaan na ng lokal na pamahalaan ang naglalakihang event sa pagbabalik ng ‘Love Boracay’ upang makahikayat ng domestic tourist na pupunan sa pagkawala ng mga dayuhang turista, partikular ang mga Chinese at Korean. BENEDICT ABAYGAR, JR.
Comments are closed.