TOURIST ASSISTANCE DESK NG PNP HANDA NA

tourist assistance desk

HANDA ang Philippine National Police (PNP) sa pagbubukas ng turismo sa iba’t ibang lugar sa bansa ngayong buwan ng Oktubre.

Ito ang tiniyak ni PNP Spokesperson Col. Ysmael Yu kasunod ng pagbubukas ngayong buwan ng Baguio City at Boracay sa mga lokal na turista.

Ayon kay Col. Yu, ibabalik ng PNP ang tourist assistance desks na pansamantalang itinigil dahil sa pandemya.

Aniya, nakahanda na ang lahat ng tourist police para tanggapin ang mga bisita sa kani-kanilang mga area of responsibility.

Naunang nang nagbukas sa turismo ang Tagaytay subalit, limitado lamang ang nakakapasok na mga turista dahil sa kailangan pa ng travel pass.

Sa Baguio City at Boracay naman ay may mga kaukulang restrictions din na ipinatutupad sa pagpasok ng mga lokal na turista na nagsimula kahapon. EUNICE C.

Comments are closed.