TOURIST DESTINATIONS SA N. COTABATO DAPAT SILIPIN

NORTH COTABATO

KIDAPAWAN CITY – SA pagsasara ng Mt. Apo dahil sa tumitinding init ng panahon, hinikayat ng City Tourism Office ng lungsod na ito, ang mga dayuhan at local tourists na i-explore ang iba pang destinations sa kanilang lugar at buong lalawigan ng North Cotabato.

Inamin ni City Tourism Officer Joey Recimilla na ang pagsasara ng Mt. Apo sa mga trekker ngayong summer climb ay malaking dagok sa industriya kasama na ang mga tourist guide.

Una nang nagkasundo ang mga tourism officers  ng Kidapawan, Digos City, at mga bayan ng Bansalan at Kapatagan sa Davao del Sur at sa  Mt. Apo Protected Area Management Board  na isara ang trail sa susunod na buwan dahil sa dry spell.

Nangangamba ang grupo na dahil sa matinding init dahil sa pag-iral ng El Niño phenomenon  ay magkaroon ng forest fire at mapahamak ang mga trekker.

Una nang isinara ang Kidapawan trail noong Marso 11.

Sinabi ni Recimilla na maaari naming puntahan ng mga turista ang Lake Agco, katabi ng pinakamataas na bundok at ng Paniki Falls sa Barangay Balabag.

Kabilang din sa tourist destinations sa North Cotabato ang longest zip line at ang  Asik-Asik Falls sa bayan ng Makilala at Alamada. GELO BAIÑO

Comments are closed.