TOURIST POLICE INALARMA

PNP Spokes­person Senior Superintendent Bernard Banac 

CAMP CRAME – PINAALALAHANAN ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP)  ang kanilang mga Regional Director at Provincial Director na mu­ling i-deploy ang kanilang mga tourist oriented police.

Ito ay kasunod ng mga insidente ng panggagahasa sa mga babaeng banyaga sa ilang beach resort sa bansa lalo na sa may bahagi ng Mimaropa.

Ayon kay PNP Spokesperson Sr. Supt Bernard Banac ang mga tourist police ang nagbabantay sa mga tourist destination upang paigtingin ang kanilang presensiya at pagpapatrolya para mapigilan ang anumang pagtatangkang krimen sa mga tourist site at destinations.

Huling naitalang insidente ng tangkang panghahalay sa isang babaeng banyaga ay sa Brgy. Masagana El Nido, Palawan.

Batay sa ulat ng PNP Mimaropa isang 30-anyos na Spanish national ang nagreklamo ng attempted rape sa El Nido Munici-pal Station laban sa isang suspek na si Melencio Tamon Cahilig, 43, residente ng Narra, Palawan at nagtatrabaho sa El Nido Palawan. REA SARMIENTO

Comments are closed.