AKLAN – PUSPUSAN ang paghahanda ng Police Region Office (PRO)- 6 sa pagbubukas Boracay Island sa October 26.
Sinabi ni PRO-6 Regional Director, Chief Supt. John Bulalacao, dahil inayos ang nasabing resort, asahan na daragsain ito kaya naman kinakailangang magposte sila ng pulisya sa beach upang matiyak ang kaligtasan ng mga turista.
Aniya, marami nang nag-i-inquire para magtungo roon lalo na’t nasabik ang mga beach lover sa pagsasasara nito noong Abril 26 dahil sa mga reklamo ng polusyon.
Ang nasabing isla ay anim na buwang isinara sa publiko at nalaman ng buong mundo kaya mas lalong marami ang na-curious kaya inaasahang marami ang magtutungo sa muling pagbubukas nito.
Dagdag naman ni Bulalacao, kung dati ay sub-station lamang ang nakatirik sa isla, ngayon ay isa nang istasyon ng pulisya na nangangahulugang mas maraming personnel.
Inihanda na rin ang kaalaman ng mga tourist police mula sa pakikisalamuha sa mga dayuhang magtutungo roon para sa magandang serbisyo. EUNICE C.
Comments are closed.