HINIMOK ng isang kongresista mula sa lalawigan ng Bohol ang iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan, partikular ang Department of Tourism (DoT), Department of Environment and Natural Resources (DENR), Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) at Department of Interior and Local Government (DILG), na bumuo ng pamantayan na magtatakda ng ‘carrying capacity’ ng bawat ‘tourist spot’ sa bansa.
Ayon kay neophyte 3rd Dist. Bohol Rep. Alexie Besas Tutor, sa ipinatupad na malawakang rehabilitasyon sa pamosong Boracay Island, napatuna-yan ang pangangailangan na paglilimita sa bilang ng mga turistang bibisita at maging sa nakatayong mga establisimiyento roon bilang bahagi ng pangan-galaga rito.
Giit ng Bohol lady solon, mainam na kontrolin ang mga aktibidad sa isang tourist destination nang sa gayon ay maiwasan na maabuso ang likas na yaman nito at mapananatili ang kagandan at kaayusan sa mas mahabang panahon.
Naniniwala si Tutor na mayroong kanya-kanyang katangian ang bawat dinarayong tourist spots ng Filipinas kung kaya dapat magkaroon ng sapat na pag-aaral para tukuyin kung ano ang indibidwal na ‘carrying capacity’ na akma sa mga ito.
“It is about time that the carrying capacity approach applied most recently to Boracay must be adapted to other popular tourist getaways.
We cannot have a ‘one-size fits all’ standard because the Philippines has a variety of tourist destination types, so the variables and weights are differ-ent across the typology,” sabi pa niya
Idinagdag din niya na bilang isa sa nagbibigay ng kontribusyon sa pagpapalago ng ekonomiya ng bansa at pagpapalakas sa hanapbuhay ng mga lo-kal na residente, dapat lamang na mapangalagaaan ang iba’t ibang tourist spots upang tumagal ang kapakinabangan at tamasin maging ng mga susunod pang henerasyon.
Kaya naman tinukoy ng kongresista ang mga nabanggit na ahensiya na silang magtutulungan at tututok sa pagbuo ng regulasyon hinggil sa susund-ing ‘carrying capacity’ ng bawat lugar-pasyalan kapwa ng mga lokal at dayuhang turista.
Naniniwala si Tutor na upang mapabilis ang implementasyon ng ‘carrying capacity standard’ na ito, pupuwede itong mabuo sa pamamagitan ng isang executive order, subalit sa kalaunan ay iminumungkahi niyang magkaroon ito ng kaukulang batas. ROMER R. BUTUYAN
Comments are closed.