TOURISTS PA MORE SA EL NIDO SIMULA SA OKT. 30

EL NIDO

LULUWAGAN na ng municipal government ng El Nido sa Palawan ang travel restrictions upang papasukin ang mga turista mula sa labas ng lalawigan simula sa Oktubre 30.

Ayon kay Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat, ang El Nido ay nasa second phase na ng ‘travel bubble’ nito, na nangangahulugan na lahat ng turista ay tatanggapin basta makakuha sila ng negative RT-PCR test para sa COVID-19, 72 oras bago ang biyahe.

Ang reverse transcription-polymerase chain reaction o RT-PCR test ay itinuturing na gold standard sa pagtukoy ng coronavirus infection. Ang swab test ay nagkakahalaga ng mula ₱2,000 hanggang ₱10,000 pataas.

Ang El Nido, na nagtala ng dalawang COVID-19 cases na nakarekober na, ay nauna nang tumanggap ng mga turista mula lamang sa lalawigan ng Palawan.

Sa ilalim ng  travel bubble na ipinatupad magmula noong Hulyo, ang El Nido Resorts ay maaaring tumanggap ng mga bisita mula sa Manila na may negative test results.

Nagbukas na rin sa mga turista ang iba pang travel destinations, kabilang ang Boracay Island at Baguio City, para muling sumigla ang ekonomiya.

Comments are closed.