(Towercos duopoly ni Jacinto pinasisilip sa Palasyo) ANO ANG MOTIBO?

RJ JACINTO

NAKAHANDA nang ihain sa susunod na linggo ang reklamo laban kay Presidential Adviser on ICT Ramon Jacinto dahil sa pagsusulong sa inilarawan nitong ‘felonious’ plan na magreresulta sa ‘unfair practice’ sa cell tower construction business.

Ayon kay Ed Cor­devilla, isang multi-awarded writer-columnist at founding leader ng Filipino League of Advocates for Good Governance (FLAG), nais nilang malaman ang motibo ni Jacinto sa panukala nitong towercos duopoly.

Aniya, sa moral side ay hindi madaling matatalikuran ni Jacinto ang im­plikasyon ng kanyang duopoly proposal dahil batid ng publiko na ang kanyang pamilya ay nasa steel manufacturing business at ang pagtatayo ng tower ay 100% steel-based project.

Sinabi ni Cordeviilla na ilalakip nila sa reklamong isasampa nila sa Presidential  Anti-Graft Commission (PAGC) ang mga dokumento na umano’y magsisiwalat sa alegasyon ng malpractices ng mga negosyo ni Jacinto.

“Jacinto’s real motive in pushing for the towercos duopoly would have been betrayed by his tract record while acting as presidential adviser in a past regime where he was indicted for violating  the anti- bouncing check law or BP 22 in connection with his mire than P400 million check issuances to a government bank.

“Our documents showed further that Jacinto had also been embroiled during his past government’s post (as presidential adviser on flagship projects) in multi-billion peso loan transactions that ended up in a Supreme Court decision against his favor,” pahayag pa ng FLAG founding leader.

Dagdag pa niya, ang panukalang telcos duopoly ni Jacinto ay taliwas sa pinakabuod ng programa ni Pangulong Rodrigo ­Duterte laban sa monopoly o ­duopoly sa telecommunications industry.

“While Duterte’s IT bright boys are  hell-bent in its move to break the telcos duopoly in the country, here comes Jacinto’s bid to create a duopoly in the tower construction business,” wika ni Cordevilla.

“And Jacinto is pushing hard for his duopoly plan unmindful of its legal and moral ramificarion,” pagbibigay-diin ng FLAG leader.

Paliwanag niya, ang duopoly proposal ni Jacinto ay lalabag sa congressional franchise ng telcos na nagkakaloob sa kanila ng ka-pangyarihan na magtayo, mag-operate at magmantina ng sarili nilang cell towers.